Matapos ang mga panahong pagpapakilig ni Joshua Garcia sa kanyang fans, oras na rin para sa aktor na makaramdam ng pansariling kilig at sino naman kaya ang babaeng nasa puso niya ngayon?
Credit: @alorskieee Instagram
Bilang selebrasyon sa kaarawan ni Kathryn Bernardo, nagkaroon ng major getaway ang NGUYA Squad sa Palawan kung saan ay sobrang nag-enjoy sila sa sobrang daming activities. Maliban sa pagpapakilig ng Kathniel, usap-usapan din ngayon sa social media ang palitan na pagpo-post ni Joshua Garcia at Trina Guytingco na isang basketball player sa University of Ateneo ng kani-kanilang larawan sa Instagram story. Dahil dito, hindi mapigilan ng fans ng aktor na mapatanong kung may namamagitan ba sa dalawa.
Credit: @alorskieee Instagram
Simula nang ibinahagi si Joshua sa kanyang Instagram story ang larawan ni Trina kung saan ay makikitang nakatalikod ito sa kamera at nakatingin sa napakagandang sunset, walang-sawa ang fans ng aktor sa pag-iimbestiga upang mapatunayan lamang ang kanilang hinala na may something nga sa dalawa.
Matapos ang masugid na investigation ng fans, nakita at tila’y nakumpirma nila na may namamagitan nga kay Trina at Joshua dahil sa larawang ibinahagi ni Alora Sasam sa Instagram kasama ang pinagsususpetsyahang couple at si Kyle Echarri. Makikita sa larawan na nakaakbay ang aktor kay Trina habang pareho silang nakatingin at nakangiti sa kamera.
Credit: @alorskieee Instagram
“Birthday sunset☀️ Daghang salamat mga kaibigan. Mahal ko kayo,” sulat ni Alora sa kanyang caption kalakip ng mga larawan niya kasama sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Zanjoe Marudo, Ria Atayde, Kyle Echarri, at ang rumored couple ngayon na sina Joshua at Trina.
Bagama’t kalat na kalat naman ang speculation na ito, hanggang ngayon ay wala pa ring kumpirmasyon sa dalawang panig pero dahil sa kanilang sweet na mga larawan sa El Nido, Palawan, masasabing nagkakamabutihan nga si Joshua at Trina kaya naman magkahalong kilig at kirot ang nararamdaman ngayon ng fans ng aktor.
Credit: @trinaguytingco Instagram
Matapos ang suspicion ng fans na may something kay Ria Atayde at Joshua, muli na namang nag-shift ang hinalang ito sa bagong miyembro sa kanilang barkada na si Trina Guytingco na mas lalo lamang na lumalakas dahil sa sweet nilang gestures sa social media.