Regine Velasquez, napatawad na umano ang sarili pagkatapos maging “third party” kay Ogie Alcasid at dating asawa nito

Kamakailan lamang ay natuon ang usapan ng show na Magandang Buhay tungkol sa third party at dahil dito ay naging emosyonal ang actress-singer na si Regine Velasquez at ikwinento ang pinagdaanan niya sa relasyon nila ng asawa niya ngayong si Ogie Alcasid.

Credit: @reginevalcasid Instagram

Si Regine ay ikinasal kay Ogie higit sampung taon na ang nakalipas at sila ay biniyayaan ng isang lalaking anak ngunit bago pa ito ay kasal si Ogie sa kanyang dating asawa na si Michelle van Eimeren at sila ay may dalawang babaeng anak.

Sa episode ng Magandang Buhay ay ikwinento ni Regine kung gaano siya ka-guilty noon na naapektuhan ng relasyon nila ni Ogie ang dalawang babaeng anak nito.  Ikwinento ni Regine na nagsimula sila ni Ogie noon bilang magkaibigan at hindi umano niya sinasadya na mahulog ang loob sa singer-songwriter.

“My husband and I started that way. Pero ‘yun kasi we were good friends. Hindi ko naman talaga sinasadya. Kasi puwede talagang mangyari. Kagaya nga nang sinabi, hindi mo pinipili ang mamahalin mo. Parang gusto ko bang sadyain ‘yon, gusto ko ba na mayroong masaktan?”

Credit: @reginevalcasid Instagram

Noong mga panahon na iyon ay kasal pa umano si Ogie kay Michelle pero hindi alam ni Regine kung ano na ang nangyayari sa buhay mag-asawa ng dalawa.

“May mga matitinong tao na hindi naman ‘yon ang iniisip nila, it’s just that sometimes it happens. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanila at that time, I don’t know kasi hindi ako kasali doon, but it happened.”

Sinabi ni Regine na kung mabibigyan lang ng pagkakataon na maibalik ang oras ay mas gugustuhin umano niya na wala silang nas@ktan ni Ogie sa kanilang naging relasyon lalo na ang dalawang anak ni Ogie.

Credit: @reginevalcasid Instagram

“But I just have to say it was difficult. And if I could bring back the time, I love my husband, but if I could bring back the time siguro mas gugustuhin ko na wala kaming nas@ktan. Na walang dalawang bata na nag-suffer because we wanted to be together.” 

Sa huli ay sinabi ni Regine na matagal na niya napatawad ang sarili at maging ang dating asawa ni Ogie ay napatawad na siya.

“I think na I’ve already forgiven myself, ‘yung hindi na ako masyadong nagi-guilty. Pero once in a while I will remember or kapag may nangyayari doon sa dalawang girls, ‘yung ganun.”

Kapag naalala daw ni Regine ang nagawang mali noon at nagiguilty ito ay iniisip na lamang niya na hindi na hindi na iyon ang sitwasyon ngayon dahil siya na ang asawa ni Ogie.

Credit: @reginevalcasid Instagram

“Pero ang iniisip ko na lang hindi na ganun ‘yung sitwasyon, ako na ang asawa niya. I am not outside anymore, I’m his family now.”