Hindi matanggap ng award-winning singer-actress na si Regine Velasquez ang nakuha niyang score sa karaoke matapos niyang kantahin ang kanyang sariling kanta na “Forever.”
Credit: @reginevalcasid Instagram
Lingid sa kaalaman ng karamihan, patok na kantahin sa mga karaoke machine ang kantang “Forever” ni Regine na duet song nila ni Martin Nievera. Kaya naman sinubukan din ni Regine na kantahin ito sa naging karaoke session nila ng kanyang pamilya kung saan naka-duet niya ang kanyang kapatid na si Jojo Velasquez.
Ipinost ni Regine ang video ng karaoke session nila ng kanyang pamilya sa kanyang Instagram account. Sa nasabing video ay ipinamalas ni Regine kung gaano siya kagaling na mang-aawit.
Credit: @reginevalcasid Instagram
Ramdam na ramdam sa video ang soulful vocals ni Regine habang inaawit ang kanyang sariling kanta.
Dahil sa husay sa pag-awit ni Regine ay aakalain mong sigurado nang makakakuha siya ng mataas na score. Ngunit labis na nabigla ang marami dahil sa sumunod na larawan na ibinahagi ni Regine sa kanyang IG post ay makikita na tanging 80 lamang ang nakuha niyang score! Dito na tila naloka si Regine dahil sa kabila ng ganda ng kanyang pag-awit at kahit siya mismo ang orihinal na kumanta ng “Forever” ay mababa lamang ang nakuha niyang score.
Credit: @reginevalcasid Instagram
Kaya naman mariing umalma si Regine at iginiit niyang tila dinadaya siya ng gumawa ng ginamit nilang karaoke machine. Sabi pa niya sa caption ng kanyang post, “Karaoke with my family. So kinanta ko yung SONG KO tapos ito lang eh!!!!!!ako nga kumanta nya!!!! Parang kailangan ko kausapin yung gumawa nito may daya eh 😂😂😂😂 @jovelasquezig”
View this post on Instagram
Samantala, umani rin ng mga nakakaaliw na komento mula sa netizens ang naging reaksyon ni Regine sa nakuha niyang score sa videoke. Komento pa ng ilang netizens:
“Parang gal!t po sayo yung karaoke”
“one of my fave songs of yours buti hindi line of 7 haha! madaya na un talaga”
“Ganda ng voice ni Sir Jojo Pero justice naman dun sa 80 Hahaha!”
Credit: @reginevalcasid Instagram
“Hindi makatarungan Ate! Hahaha!”
“di ata alam ng karaoke na ikaw si Regine”
Talaga nga namang kwestyonable ang nakuhang karaoke score ni Regine at pati ang mga netizens ay naloka rin!
Credit: @reginevalcasid Instagram
Gayunpaman, hindi naman mababago ng nakuhang karaoke score ni Regine ang katotohanang isa siya sa mga pinakamahusay na mang-aawit hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong Asya.