Relasyong Kyline Alcantara at Mavy Legaspi, lagpas na umano sa simpleng “friendship”

Nag-uumapaw na kilig ang hatid ng tambalan ni Kyline Alcantara at Mavy Legaspi sa kanilang fans dahil sa kanilang pagpapahiwatig na tunay nga na may namamagitan sa kanilang dalawa!

Credit: @mavylegaspi Instagram

Hindi lamang sa harap ng kamera sweet si Kyline at Mavy dahil pati sa totoong buhay ay nagagawa rin nilang pakiligin ang isa’t-isa kaya naman labis na lamang ang kasiyahang nararamdaman ng kanilang fans at supporters.

Kabilang si Mavy at Kyline sa bagong teleserye na “I Left My Heart In Sorsogon” na pagbibidahan ni Heart Evangelista, Paolo Contis, at Richard Yap at sa ginanap na virtual mediacon, hindi naiwasan ng young stars ang pinakamainit na tanong tungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon.

Credit: @mavylegaspi Instagram

“Siyempre… kami ni Kyline, matagal nang magkaibigan. Three years and siyempre, may mga feelings na nade-develop,” sagot ni Mavy.

Dagdag pa ng batang aktor, “Sa ngayon, for now, each and every day, nagle-level up ang relationship namin at tsaka ‘yung bonding namin.”

Ayon kay Mavy, lagpas na umano sa simpleng “friendship” ang relasyon nila ni Kyline.

Credit: @mavylegaspi Instagram

Kahit na’y marami naman ngayon, lalo na sa showbiz ang nawawalan na ng pagpapahalaga sa konsepto ng ligawan, nananatili namang matatag ang paniniwala ng 20 taong gulang na aktor dito.

Kuwento pa ni Mavy, lumaki umano siya sa mga magagandang pangaral ng kanyang mga magulang na sina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel na parehong pinapahalagahan ang konsepto ng panliligaw.

“Ako, ang rule talaga ni Mama at Papa sa akin, kung interested ka sa isang babae, ico-court ko talaga so, I believe in that,” sabi ng aktor.

Credit: @mavylegaspi Instagram

“Ako mismo ang nagco-court at si Kyline na mismo ang sumagot kung paano ako nagco-court.”

Tila na-corner naman ang aktres na si Kyline nang ipinasa ni Mavy sa kanya ang tanong kung paano nga ba siya nililigawan ng aktor.

“Naku! Maverick, pinahamak mo ‘ko. Hindi, joke lang,” natatawang sabi ni Kyline.

Hindi naman ito diretsahang sinagot ng aktres pero mapapansin pa rin ang pagpapahiwatig niya na may “something” nga sa kanilang dalawa ni Mavy.

Credit: @mavylegaspi Instagram

“Siguro, maybe… this is a very showbiz answer but I really enjoy his company,” sagot ni Kyline.

“Like truly, from the bottom of my heart, I really enjoy his company as friends and as… well, we don’t know about the future.”

Paglalarawan pa ni Kyline kay Mavy, “He’s really a gentleman. Super! Sa lahat ng nakilala ko, siya talaga ang pinaka-gentleman sa lahat ng iyon.”

Hindi man naging malinaw tungkol sa totoong estado ng kanilang relationship, sigurado na naman ngayon ang karamihan na kasalukuyang nililigawan ni Mavy si Kyline!