Rhian Ramos, inamin ang totoong dahilan ng kanyang biglang pagpayat na napansin ng mga netizen

Madalas ang pagkakaroon ng payat na pangangatawan ang isa sa mga indikasyon na ang isang tao ay may maganda o seksing katawan. Dahil sa pamantayang ito, kaya karamihan ay nagsusumikap na magbawas ng timbang sa pamamagitan ng pagda-diet o pag-eehersisyo.

Credit: Rhian Ramos Instagram      

Ngunit minsan hindi rin mabuti ang pagkakaroon ng napakapayat na katawan. Maaari kasi itong maging indikasyon na nakararanas ang isang tao ng sak!t.

Credit: Rhian Ramos Instagram

Kaya’t nang mapansin ng ilang netizen na si Kapuso actress Rhian Ramos ay tila mas payat ngayon kaysa dati, hindi nila maiwasang maghinala na ito ay mayroong eating d!sorder.

Credit: Rhian Ramos Instagram

Pinabulaanan naman ni Rhian sa kanyang pinakabagong vlog ang mga haka-haka na mayroon siyang eating d!sorder. Ayon sa Kapuso actress, nitong mga nakalipas na buwan ay maraming pagsubok na dumaan sa kanyang buhay na nagdulot ng matinding ‘stress’ sa kanya.

Isa na nga rito ang paghihiwalay nila ng kanyang Israeli boyfriend na si Amit Borsok.

Aniya sa vlog, “Many things have changed since the last time you saw me which was probably the apartment tour. I gave a little look of the condo while we were moving out and somehow, inside of that moving out period, I went through a breakup and it was so hard.”

Credit: Rhian Ramos Instagram

“I had a really hard time guys, not just because I was brokenhearted and shattered, but other things in my life were giving me a lot of stress…I was working so hard to be really quick about finding a condo unit so that my family is safe from me.”

Credit: Rhian Ramos Instagram

Dagdag ni Rhian, “I was in so much pain and under so much stress. I wasn’t getting out of my bed. I wasn’t sleeping right. I couldn’t eat. I was under so much stress that my body just basically started eating itself.”

Credit: Rhian Ramos Instagram

Inamin din ni Rhian na hindi umano niya intensyon na magbawas ng timbang kagaya ng espekulasyon ng lahat. Ani ng “Love of my Life” actress, “Everyone thinks I did this to myself but I didn’t. I was just having a really hard time.”

Credit: Rhian Ramos Instagram

November noong nakaraang taon nang kinumpirma ni Rhian sa GMA news program na “24 Oras” ang kanyang relasyon sa kanyang naging non-showbiz boyfriend na si Amit.