Isa sa pinakamagandang lugar sa buong mundo ang Paris sa bansang France. Kilala ang Paris bilang “most romantic city” sa buong mundo. Maliban dito, dinarayo din ang Paris dahil sa napakarami nitong pasyalan na perfect para mag-pictorial.
Credit: @whianwamos Instagram
Sa katunayan, kabilang ang Paris sa mga Instagrammable na lugar na tila nasa bucketlist ng maraming Pinoy. At sa Paris nga kinunan ang trending ngayong larawan ng Kapuso actress na si Rhian Ramos.
Umani ng maraming papuri mula sa netizens ang ipinost ni Rhian sa kanyang Instagram kamakailan lamang na isang candid photo.
Credit: @whianwamos Instagram
Kinunan ang larawan ni Rhian habang naglalakad siya sa isang maulang araw sa Paris.
Sa ngayon ay mayroon nang mahigit 100K likes ang nasabing larawan dahil tila hinugot pa kasi umano ito sa isang sikat na fashion magazine sa ganda ng pagkakakuha at maging pose ni Rhian.
Credit: @whianwamos Instagram
Kapansin-pansin sa larawan ang all-black outfit ni Rhian na nagpalitaw sa kanyang makinis at maputing balat. Nagmistula ngang isang tunay na supermodel sa Paris si Rhian sa kanyang all-black outfit―mula sa kanyang sando top, pants, boots at maging shades.
Kaya’t humanga ang maraming netizens sa angking ganda at “h0tness” ni Rhian na makikita sa nasabing larawan.
Mas lalo namang naging agaw-pansin ang larawan ni Rhian dahil sa aesthetic effect ng pagkakalagay niya ng kanyang brown coat sa kanyang ulo para hindi mabasa ng ulan.
Credit: @whianwamos Instagram
Dahil sa pagiging “perfect” ng larawan ni Rhian kaya naman napa-sana all na lamang ang libu-libong netizens. Komento nila:
“Umuulan tapos ganito kaganda makikita MO mapapa Sana all ka talaga”
“u look so expensive Ms. Ramos”
“model ang dating pdee pang international..go ms rhian”
Credit: @whianwamos Instagram
“Galing tlagang mgdala ng damit ni idol”
“Lakas maka Emily in Paris…that OOTD is perfect!!!”
Samantala, lingid sa kaalaman ng marami, kasama ni Rhian na nagbabakasyon sa Paris ang mag-asawang celebrity doctors na sina Vicki Belo at Hayden Kho at ang kanilang napakagandang anak na si Scarlett Snow.
Credit: @whianwamos Instagram
Matatandaan namang isa si Rhian sa mga mukha ng Belo Medical Group na pagmamay-ari ni Vicki. At ayon sa ilang ulat, nagtungo si Rhian sa Paris para sa isang photoshoot para sa bagong layout ng clinic ng celebrity doctor.