Kilala bilang isang mahusay na aktres sa mundo ng showbiz si Rica Parelejo dahil madalas na siyang nakikita sa telebisyon simula noong siya’y bata pa lamang. Sa katotohanang pumasok siya sa showbusiness sa napakamurang edad ay nagawa na niyang ipamalas ang talento sa pag-arte dahilan kung bakit sobrang daming tao ang umiidolo sa kanya.
Credit: @ricaperalejo Instagram
Lumaki at napamahal man sa industriyang kinabibilangan ay napagdesiyunan ni Rica na tuluyang iwan ang showbiz simula nang siya’y bumuo ng pamilya kasama ang asawa na si Joseph Bonifacio na isang pastor.
Ayon sa aktres ay kaya niya iniwan ang showbusiness kahit nasa rurok siya ng kanyang career bilang isang aktres sa kadahilanang gusto niyang i-devote ang sarili at ituon ang buong atensyon sa pamilya.
Bagamat hindi na nakikita sa TV ay patuloy pa rin naman siyang sinusubaybayan ng kanyang mga fans sa pamamagitan ng kanyang mga vlogs.
Credit: @ricaperalejo Instagram
Ngayon ay ina ng dalawang anak ay nagmimistulan pa ring dalaga si Rica. Sa edad na 40 ay nananatili pa ring fit ang kanyang katawan dahil sa kanyang pag-aalaga niya sa kanyang kalusugan. Isa rin siyang enthusiast pagdating sa pag-eehersisyo dahilan para mapanatili niya ang magandang hubog ng katawan.
Kamakailan ay nagbahagi si Rica ng 30 seconds na Tiktok video sa Facebook at Instagram kung saan ay makikita kung gaano siya kasipag mag-jump rope mula araw hanggang gabi. Ang matagal na tanong ng karamihan na kung paano napapanatili ni Rica ang fit na katawan ay natuldukan na sa wakas!
View this post on Instagram
Dahil may nagtanong kay Rica kung paano niya disiplinahin ang sarili ay ito ang naging sagot niya:
“Someone asked me how I disciplined myself to do this everyday and I said there is no discipline involved but only joy. So I say FIND THE EXERCISE THAT GIVES YOU JOY AND YOU WON’T HAVE TO FORCE YOURSELF TO DO IT.✨”
View this post on Instagram
Dagdag pa ni Rica na ang depinisyon umano niya sa “rest” ay ang pag-eehersiyo.
“I consider it rest to do this, actually. Coz rest does not mean only to sleep and do nothing,” sabi ni Rica sa kanyang post.
Credit: @ricaperalejo Instagram
Marami namang humanga sa determinasyon ng dating aktres sa pag-eehersisyo. Hindi rin maitatanggi na sobrang galing ni Rica sa ginagawa, halatang grabe ang kanyang pagpupursige upang makamit ang husay na ipinakita sa bidyu.