Rica Peralejo, may touching at sweet message para sa kanyang mister na si Joseph Bonifacio sa kanilang 11th wedding anniversary

Masayang ipinagdiwang ng dating aktres na si Rica Peralejo at ng kanyang mister na si Pastor Joseph Bonifacio ang kanilang ika-11 anibersaryo bilang mag-asawa nitong January 29.

Credit: @ricaperalejo Instagram

Para sa kanilang anibersaryo, isang sweet at touching message ang isinulat ni Rica para sa kanyang mister.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Rica ng dalawang larawan nila ng kanyang mister kung saan ay mahigpit silang magkahawak ng kamay. Sa caption ng kanyang Instagram post, ipinahayag ni Rica kung gaano niya kamahal at pinasasalamatan ang mister dahil hindi ito bumitaw sa kanilang pagsasama kahit sa mga panahon na hindi umano siya ang “nicest person to be living with”.

Sabi ni Rica, “I was in the bathroom when this flashed in my mind. Parents are supposed to raise their children and then let go. But man and wife enter marriage vowing that they will never, no matter what, ever let go.”

Dadgag niya, “Second photo was eleven years ago, and this one was taken just last Sunday. You never let go, @josephbonifacio. Richer or poorer, sickness or health, better or worse, with hair or no hair, you stuck it out with me even when I wasn’t the nicest person to be living with.”

Ang dating aktres na ngayon ay isa nang manunulat, ay nagpasalamat din sa kanyang asawa dahil ipinaranas nito sa kanya ang uri ng pag-ibig na matatagpuan lamang sa Diyos.

Credit: @ricaperalejo Instagram

Ani Rica, “I love you so much. Thank you for giving me a great picture of God’s unconditional love (I never want to let you go kind of love!) for us.”

Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, binati ni Rica ang kanyang asawa na ayon sa kanya ay hindi perpekto ngunit ngunit malapit na umano sa pagiging perpekto.

Credit: @ricaperalejo Instagram

Ani Rica, “You are not perfect but you are close to it. ❤️ Happy 11 years to us! #TheBonis Happy 11 years to us! #TheBonis”

Noong January 2010, ikinasal sa isang simpleng beach wedding na ginanap sa Nasugbu, Batangas sina Rica at Pastor Joseph.

Credit: @ricaperalejo Instagram

Biniyayaan naman sila ng kanilang unang supling noong 2014 na pinangalanan nilang Philip Nathaniel. Noong nakaraang June 2019, naging laman ng balita si Rica matapos niyang isilang ang kanilang ikalawang anak na si Manu sa pamamagitan ng “natural” at “unmedicated” delivery sa kanilang bahay.