Rich Asuncion, magka-baby muli; ipinasilip ang kauna-unahang bahay nila ng kanyang Fil-Aussie husband sa Australia!

Sunod-sunod na biyaya ang dumating sa buhay ng dating aktres na si Rich Asuncion ngayong taon. Bago matapos ang taong 2021, nakatanggap si Rich at ang kanyang Filipino-Australian husband na si Benjamin Mudie ng dalawang magandang balita.

Credit: @richasuncionmudie Instagram

Una sa lahat, may bagong dagdagd sa kanilang munting pamilya na walang iba kundi ang kanilang pangalawang anak.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Rich na muli silang biniyayaan ng Panginoon ng isang baby!

Nagbahagi si Rich sa kanyang IG ng dalawang larawan kung saan makikita ang kanyang baby bump at isang sonogram picture ng kanyang ipinagbubuntis.

Credit: @richasuncionmudie Instagram

“Baby #2️ on the way! Here we go again @benjmudie #mudsquad,” sabi ni Rich sa kanyang IG post.

Pero hindi lamang ito ang magandang balitang ibinahagi ni Rich dahil nitong December 5 lamang ay nag-post naman siya ng isang larawan kung saan makikita ang bagong bahay nila sa Australia.

Ayon pa kay Rich, dream come true ang pagkakaroon nila ng bahay sa Australia. At kahit nagtulungan silang magpamilya sa pag-abot sa kanilang pangarap na magkabahay, iginiit niyang dahil ito sa pagsisikap ng kanyang mister.

Credit: @richasuncionmudie Instagram

“Finally, a house we can call our own…a dream come true for the #mudsquad! Ben and I have never worked so hard( and fought so hard) in our time together…but I have to give it to you Papa @benjmudie for being headstrong and focused on our goal. Like I said before, you are an excellent leader,” saad ni Rich.

Dagdag niya, “Looking forward to making wonderful memories here with my growing family.”

Bumaha naman ang pagbati para kay Rich mula sa kanyang mga kasamahan sa showbiz. Komento nila:

Credit: @richasuncionmudie Instagram

“@dianazubirismith: Congratulations 😍😍😍”

“@mysheenahalili: Bongga 👏”

“louise.dr: YAY!!! Congratulations Rich and Ben! ❤️”

“@dianne_medina: congrats rich❤️❤️❤️❤️”

Credit: @richasuncionmudie Instagram

Taong 2018 nang ikasal sa Hong Kong sina Rich at Benjamin. Nagdesisyon naman silang lumipat ng Australia kasama ang kanilang panganay na si Bela noong nakaraang taon.

Matatandaang noong nakaraang taon, ilang buwan pagkatapos nilang mag-migrate, bukas na nagkwento si Rich tungkol sa kanyang bagong buhay sa Australia kung saan ikinuwento niya ang kanyang karanasan na magtrabaho bilang waitress sa isang restaurant.

At Marso ngayong taon lang, ipinagdiwang ni Rich ang kanyang 1 taong paninirahan sa Australia. Sa pamamagitan ng isang post sa IG, inamin ni Rich na ang paglipat sa Australia ay isa sa pinakamagagandang desisyon na ginawa niya sa kanyang buhay.