Talagang hindi tinatantanan ng tadhana si Rich Asuncion dahil kahit na’y namamalagi ngayon sa Australia, palagi pa rin siyang nilalapitan ng opportunities.
Credit: @richasuncionmudie Instagram
Simula nang pasukin ni Rich ang industriya ng showbiz, patuloy niyang binibihag ang puso ng kanyang fans dahil sa kanyang superb na talento sa pag-arte. Mapa-pelikula man o teleserye, todong-todo ang effort na ibinibigay ng aktres upang mapasaya ang kanyang mga tagasubaybay.
Mapapansin naman na mahal na mahal ni Rich ang lahat ng kanyang ginagawa bilang isang artista kaya marami ang lubos hindi makapaniwala nang napagdesisyunan ng aktres na lisanin ang showbiz upang mamuhay ng simple at payapa kasama ang pamilya sa Australia.
Kahit na’y iniwan man ang nakasanayang buhay dito sa Pilipinas, hindi pa rin nawawala ang pag-asa sa puso ni Rich na magkakaroon ulit siya ng opportunities kung saan ay muli siyang babalik at magpapamalas ng talento sa harap ng kamera na kalaunan ay natanggap ng kanyang pamilya.
Credit: @richasuncionmudie Instagram
Nito lamang Lunes nang masayang ibinahagi ni Rich sa kanyang followers ang magandang balita kung saan ay featured siya at ang kanyang pamilya sa isang commercial sa Australia na “Emergency Services Agency of the Australian Capital Territory”.
“Out of all the opportunities Australia has offered me in entertainment, this one takes the cake ❤️,” saad ni Rich sa kanyang caption kalakip ng video sa ginawa nilang advertisement.
Ayon sa aktres, mas naging espesyal pa umano ito kumpara sa lahat ng natanggap niyang opportunity sa Australia dahil sa commercial na ito ay kasama niya ang asawa na si Benjamin Mudie at ang kanilang baby girl na si Isabella Brie.
View this post on Instagram
Ang commercial din na ito ang kauna-unahang exposure ni baby Isabella Brie sa harap ng kamera dahilan kung bakit abot-langit ang kasiyahang nararamdaman ngayon ni Rich.
Credit: @richasuncionmudie Instagram
“Its such a special moment to be doing a commercial, as a family 😊 and its even more special to share Bela’s on-screen debut with her,” sabi ni Rich.
Dagdag pa ng aktres, “Its great to be back in front of the camera again 🎥”.
Credit: @richasuncionmudie Instagram
Nakatanggap naman ng iba’t ibang papuri at magagandang komento ang ibinahaging video ni Rich sa Instagram na nagpapatunay lamang na nananatili pa rin ang kanyang legacy bilang isang mahusay na aktres sa puso ng kanyang Pinoy fans.