Sinulit ng celebrity couple na sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez ang kanilang maikling beach getaway sa Boracay.

Ilang araw bago magpasko ay lumipad patungong Boracay ang mag-asawa kasama ang kanilang dalawang anak na sina Zion at Kai.

Kasama rin nila sa nasabing bakasyon ang mga kapatid ni Richard na sina Raymond at Ruffa pati ang panganay na anak nito na si Lorin Bektas.

Ayon sa isang Instagram post ni Sarah, “much needed” o kailangan daw talaga nilang magpamilya ang isang “family time, fresh air and the ocean”.

Nagpapasalamat naman si Sarah dahil sa wakas ay nagkaroon sila ng “quality time” ni Richard na matagal din niyang hindi nakasama dahil sumabak ito sa lock in taping para sa Kapamilya drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano”.

“After so many times of being away from each other for more than a month, working away from each other, online home schooling and just 2020…Feeling grateful and blessed to be able to spend much needed quality time together in the sun with my love,” caption ni Sarah sa video nila ni Richard na kuha mula sa resort na tinutuluyan nila sa Boracay.
View this post on Instagram
Dagdag ni Sarah, “I love you, mon amour. Thank you for all the sacrifices and for everything that you do for Zion, Kai & I.”

Ito naman ang naging caption ni Richard sa larawan nilang magpamilya na ipinost niya sa kanyang Instagram.

Aniya, “After five weeks of being locked in the taping bubble, we’re feeling grateful to be able to spend some much needed family time in paradise.”
Makikita rin sa Instagram account nina Sarah at Richard ang ilan pang larawan ng kanilang bonding moments sa Boracay.

Noong March 14 ay naganap ang pag-iisang dibdib nina Sarah at Richard. Isang simpleng civil wedding ceremony lamang ang naganap taliwas sa engrandeng church wedding na kanilang plinano.
View this post on Instagram
Hindi natuloy ang kanilang star-studded church wedding dahil na rin sa banta ng c0vid.

Noong 2017 pa na-engage sina Sarah at Richard. Ayon sa isang ulat ng GMA News Online, kinumpirma ni Richard ang relasyon nila ni Sarah na isang StarStruck alumna noong 2012.
Taong 2013 naman nang isilang ni Sarah ang panganay nila ni Richard na si Zion. Limang taon ang makalipas ay ipinanganak naman ni Sarah ang ikalawang anak nila ni Richard na si Kai.