Rita Gaviola o kilala bilang si “Badjao Girl,” kinumpirmang mayroon na siyang baby!

Hindi na talaga bago sa mundo ng showbiz ang iba’t-ibang revelation ngunit hindi pa rin tuluyang nasasanay ang karamihan sa atin sa tuwing nakakarinig o hindi kaya’y nakakadiskubre ng sh0cking na mga balita na kadalasang umiikot sa buhay ng celebrities.

Credit: @itsritagaviola Instagram

Matatandaang nagsimula ang pang-angat ni Ria Gaviola sa kasikatan nang sumali siya sa “Pinoy Big Brother: Lucky Season 7” kung saan ay nakilala siya bilang si “Badjao Girl,” effortless niyang nabihag ang atensyon ng netizens dahil sa kanyang captivating at natural na beauty. Kahit ‘nung natapos naman ang kanyang panahon sa loob ng bahay ni Kuya, tuloy-tuloy pa rin naman ang natatanggap na projects at opportunities ni Rita at isa ngayon sa itinuturing na pinakamaningning na stars sa industriya ng showbiz.

Of course, hindi na naman bago pa sa kaalaman ng karamihan ang katotohanang kalakip ng tinatamasang kasikatan ay ang pagiging open ng kanilang personal na buhay sa publiko kaya kadalasan, super dali talaga para sa netizens na maka-gather ng sari-saring impormasyon katulad na lamang ng rumor na kumalat kumakailan lamang tungkol sa pagbubuntis ni Rita Gaviola.

Credit: @itsritagaviola Instagram

Matapos ang ilang buwan na pananahimik, sa wakas ay kinumpirma na rin ni Rita ang spekulasyon ng karamihan sa pamamagitan ng pagbabahagi niya ng kanyang larawan sa Instagram kung saan ay makikitang kasama niya ang kanyang non-showbiz na partner at ang kanilang chikiting na ubod ng cuteness!

“Mahal ko kayo 🥰❤️,” sweet na sulat ni Rita sa kanyang caption.

Credit: @itsritagaviola Instagram

Kaagad naman na nagpahayag ng papuri at positibong mga komento ang netizens tungkol sa kagandahan ng munting pamilya ni Rita at ng kanyang partner na pinili niyang huwag pangalanan.

“Congratulations! Beautiful family and beautiful baby! God bless! 😍❤️😍❤️”

“aww!♥ congrats both of youuu 😍”

“All the best for your little fam rita♥️♥️”

Credit: @itsritagaviola Instagram

Matatandaang sumali siya nito lamang taon sa isang segment ng “It’s Showtime” na “Sexy Babe” kung saan ay muling natungahayan ng publiko ang kanyang beauty at kakayahan sa pageantry at ngayong isa ng ganap na ina, nakatutok at mas pagtutuunan naman ng pansin ngayon ni Rita ang kanyang Momshie duties at responsibilities.