Ritz Azul at Allan Guy, nangako ng kanilang pagmamahalan sa ikalawang pagkakataon sa Palawan!

Hindi sapat ang isang wedding para sa wagas na pagmamahalan ni Ritz Azul at Allan Guy dahil muli lang naman silang ikinasal sa Palawan!

Credit: @ritzazul Instagram

Hindi kailanman naging bago sa pandinig ng netizens ang pangalan ni Ritz Azul dahil isa lang naman siya sa mga nagagandahang aktres sa kanyang henerasyon. Maliban dito, talagang hindi rin maikakaila ang kanyang husay at galing pagdating sa pag-arte kung saan ay epektibo niyang naaabot at nahahaplos ang puso ng bawat manonood dahilan kung bakit hindi siya madaling kalimutan.

Bilang isang sikat na aktres, talagang sinusubaybayan siya ng kanyang fans kahit nasa likod naman ng kamera pero nagagawa pa rin ni Ritz na surpresahin ang mga ito dahil talaga namang mahilig siya sa mga surpresa katulad na lamang nang ikinasal siya sa kanyang fiancé na si Allan Guy sa Baguio.

Iilan lamang sa kanyang kapwa celebrities ang nakakaalam at kadalasan pa sa mga ito ay ang mga malalapit niyang kaibigan. Sobrang lowkey sa kanyang buhay pag-ibig, talagang hindi inasahan ng kanyang fans na ikakasal pala siya!

Hindi pa nga lubos nakaka-recover sa gulat na ibinigay ni Ritz noong siya’y ikinasal kay Allan Guy sa Alphaland Baguio Mountain Lodges, muli na namang sinurpresa ng aktres ang publiko nang muli silang ikinasal sa Coron, Palawan.

Credit: @ritzazul Instagram

Ayon kay Ritz, kaya umano nila ginanap ang unang kasal sa Baguio dahil ayaw niyang ilagay sa kapahamakan ang kalusugan ng kanyang pamilya lalo na’t patuloy pa rin ang banta ng viru$.

Kung punong-puno umano ng romansa ang kasal nila sa Baguio, simpleng selebrasyon lang daw ang kanilang ikalawang kasal sa Palawan.

“If it’s so romantic and intimate in Baguio, we want it to be casual this time around. It’s just a celebration of our union,” pahayag ni Ritz.

At dahil “celebration” lamang ang ikalawang kasal sa Palawan, talagang naisipan ni Ritz at Allan na ikasal sa beach kasama ang kanilang pamilya at iilang kaibigan at para na rin ma-enjoy umano nila ang kagandahan ng buong lugar.

Credit: @ritzazul Instagram

Talagang walang pigil ang paghahatid ng romansa at kilig ng bagong kasal na si Ritz at Allan dahil simula pa man noong nakaraang buwan hanggang ngayon, talagang busog na busog na sila sa pagmamahalan na meron sila para sa isa’t-isa.