Road trip ni Doug Kramer at anak na si Kendra, puno ng makabuluhang kuwentuhan!

Kahit na’y mismong flesh at blood natin ang mga anak, at nasaksihan man natin ang kanilang paglaki ay may mga katangian pa rin sila na hindi natin nalalaman kaya minsan habang lumalaki ang mga bata ay nagiging distant sila sa kanilang mga magulang pero tila’y wala naman sa bokabularyo ng Team Kramer ito dahil sinisigurado lang naman ng couple na si Chesca Garcia at Doug Kramer na kahit lumipas man ang maraming taon ay mananatili silang involved sa bawat kaganapan sa buhay ng kanilang mga chikiting.

Credit: @dougkramer Instagram

Hindi lamang ideal na couple si Chesca at Doug Kramer kundi ay pati na rin sa pagiging mga magulang dahil makikita niyo naman kung paano nila napalaki ng maayos ang kanilang mga anak na sina Kendra, Scarlett, at Gavin. Ngayong dalaga na ang kanilang panganay na anak, aminado talaga ang celebrity couple na challenging ang phase na ito pero ‘di katulad ng iba, nananatili namang close at vocal sa kanila si Kendra na unusual para sa mga batang tulad niya na kasalukuyang nasa stage ng puberty.

Sa updates at vlogs na ibinabahagi ng Team Kramer, makikitang magkakasama silang lahat sa tuwing nagbabakasyon pero binigyang-diin din ni Doug na tulad ng pagpapahalaga niya sa bonding ng kanilang buong pamilya, importante rin ang one-on-one na hangout sesh.

Credit: @dougkramer Instagram

Nito lamang Linggo, mas naging special ito para sa mag-amang Doug at Kendra dahil nagkaroon lang naman sila ng quality na time kasama ang isa’t-isa kung saan ay sinulit nila sa kuwentuhan ang kanilang mahaba-habang byahe papuntang Pililla, Rizal.

Sa kanilang road trip, maraming napag-usapan ang mag-ama katulad na lamang ng kanilang similarities at differences. Maliban sa uncanny nilang resemblance lalo na ‘nung kabataan days ni Doug, marami rin silang pagkakatulad katulad ng pagiging athletic at outgoing, hilig at preferences nila pagdating sa mga kaibigan, at marami pang iba.

Siyempre, ngayong dalaga na, hindi talaga naiwasan ni Doug na matanong si Kendra kung may crush nga ba ito ngayon na diretsahan naman niyang sinagot ng “No. My standards are set too high” na ikinatuwa ng kanyang Daddy Doug.

Credit: @dougkramer Instagram

Sa kanilang kuwentuhan, naikuwento rin ni Doug kay Kendra sa pinakaunang pagkakataon ang plano niyang maging NAVY SEALs kung hindi siya naging professional na basketball player.

Naibahagi rin ni Kendra ang mga profession na pinagkaiinteresan niya sa buhay at ito ay ang maging supermodel, magtayo ng sariling business, at maging doktor.

Sa ilang oras nilang byahe, wala talaga silang naging boring na moment dahil sobrang abala lang naman nila sa pagkukuwentuhan–isang bonding na bibihira lamang para sa isang father-daughter.