May mga tao talaga na nabiyayaan ng natural na kagandahan at kagwapuhan na kahit ilang taon man ang lumipas ay sadyang hindi ito kumukupas. Marahil ay marami ang nagsasabi na personalidad at attitude ang importante sa isang tao ngunit hindi naman maitatanggi na nahahalina talaga ang karamihan sa mga babae dahil sa gwapong looks at hindi nga nito exception si Ronnie Liang na ngayon ay source sa kilig ng netizens.
Credit:Β @ronnieliang Instagram
Unang nakilala si Ronnie Liang nang sumali siya sa Pinoy Dream Academy kung saan ay matagumpay niyang nakamit ang ikalawang karangalan at mas sumikat pa nang pumatok sa publiko ang kanyang OPM song na “Ngiti”. Mula noon, nagsunod-sunod na ang kanyang mga proyekto at ngayon ay isa na siya sa mga accomplished na OPM artist.
Maliban sa kanyang talento sa pagkanta, lubos din na kilala si Ronnie sa kanyang taglay na kagwapuhan kaya hindi talaga maiwasan ng mga kababaihan na mahulog sa kanya. Sadya naman kasing nakaka-inlove ang lalaking may magandang boses at gwapong mukha! Sino ba naman ang makaka-resist sa nag-uumapaw na karisma ng nag-iisang Ronnie Liang?
Miyerkules, May 18 nang nagbahagi si Ronnie ng kanyang dating mga larawan sa Instagram at ilang minuto matapos itong ma-upload, kaagad itong pumatok sa kanyang fans.
Credit:Β @ronnieliang Instagram
Sa post na ito ni Ronnie, makikita ang luma niyang ID noong hayskul at sa kabila naman ay ang ID niya noong kumukuha pa lamang siya ng Master’s degree. Sa kanyang caption, mababasa ang “Time flies so fast!π₯ΉπͺπΌπβ°” kalakip ng inilgay niyang mga hashtag na “#highschool” at “#mastersdegree”.
Makikita naman sa mga larawang ibinahagi ni Ronnie na mula pa man noong kabataan days niya ay ang gwapo na niya talaga. Kung noon ay sobrang cute at inosente niya pagmasdan, ngayon naman ay hunk at manly na!
Dahil dito, hindi mapigilan ng kanyang fans na manggigil sa kagwapuhang taglay ng kanilang idol. Iilan lamang ang mga ito sa kanilang comments:
Credit:Β @ronnieliang Instagram
“Napaka GWAPO since child π”
“hi oppa! π€πππ―”
“Gwapo parin hangang ngayon sir ronβ€οΈπ”
“NapakaGUWAPO mo naman talaga!π€©π Mula Noon at Hanggang Ngayon!ππ”
Credit:Β @ronnieliang Instagram
“Ang gwapo nmn po Idol Ronnie Liang β€οΈβ€οΈβ€οΈ”
Maraming taon naman ang lumipas at marami mang ipinagbago si Ronnie, matutunghayan naman mula sa kanyang ibinahaging mga lumang larawan na hindi talaga kumupas ang kanyang gwapong looks. Kung ipagkukumpara ito sa kanyang pinaka-recent na mga larawan, masasabi na mas manly at charismatic ang version ni Ronnie Liang ngayon.