Rosanna Roces, hindi napigilang ikwento ang naging regalo sa kanya nila Coco Martin at Julia Montes

Talagang bongga nga naman ang regalong ibinigay nina Coco Martin at Julia Montes sa dating s3xy actress na si Rosanna Roces.

Credit: @therealrosannaroces Instagram

May mga pagkakataon talagang hindi lamang simpleng katrabaho ang tingin ng mga artista sa isa’t-isa kapag nagsasama na sa iisang proyekto. Katulad na lamang ng “FPJ’s: Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco kung saan ay ang lahat ng mga aktres at aktor na kabilang sa teleseryeng ito ay naging bahagi na sa malaking pamilya ni Coco.

Noon pa ma’y kilala na si Coco sa kanyang kabutihang-puso at nito lamang nang muli niyang ipinamalas ang kagandahan ng kanyang kalooban nang pinangakuan niya ng regalo ang katrabaho niyang si Rosanna Roces o mas kilala sa palayaw niyang “Osang”.

Credit: @therealrosannaroces Instagram

“‘Ibibili kita nyan Mommy O,'” pangako umano ng aktor sa beteranang aktres na si Rosanna. Sa pag-aakala ni Osang na biro lamang iyon ni Coco, talagang hindi siya umasang tototohanin ito ng aktor.

Sa labis na naramdamang tuwa, hindi napigilan ni Osang na ikuwento ito sa kanyang fans at followers sa Instagram.

“Akala ko nagbibiro lang si Coco nung sinabi sa akin na..Ibibili kita nyan Mommy O,” pahayag ni Osang sa unang bahagi ng kanyang caption kalakip ng isang larawan kung saan ay makikita sa kanyang tabi ang regalo nina Julia at Coco na isang smart oven.

“Nagulat ako pagdating ni Julia kanina..pinadala nya agad ito . Ang aga ng Pasko ko hahahaha,” saad ni Osang.

Credit: @therealrosannaroces Instagram

Na-appreciate naman ng beteranang aktres ang regalo nina Julia at Coco para sa kanya.

Dagdag pa ni Osang, “…ansarap sa pakiramdam pag inaalam nila yung hilig mo tapos reregaluhan ka nila dahil alam nilang magagamit ito ng husto. Salamat @cocomartin_ph at @montesjulia08 ..love ko kayong dalawa. I te treasure ko to ng Husto 🥰.”

Credit: @therealrosannaroces Instagram

Hindi naman lingid sa kaalaman ng netizens lalo na ng “FPJ’s: Ang Probinsyano” fans na parang tunay na pamilya na ang turing ni Coco Martin sa iba pang artistang kabilang sa teleserye pero hindi pa rin napigilan ng karamihan na talagang purihin ang natanggap na regalo ni Osang na naggaling mismo sa dalawa.

Credit: @therealrosannaroces Instagram

Noon pa man ay marami ng rumors tungkol sa relasyon nina Coco at Julia pero hanggang ngayon, walang kahit anumang kumpirmasyon ang dalawa ukol dito. Bagama’t ganoon man, marami pa rin ang naniniwala na may namamagitan sa kanilang dalawa lalo na’t napakalakas ng kilig at chemistry na hatid nila, sa likod o harap man ng kamera.