Rosanna Roces, natulala matapos makatanggap ng mamahaling regalo mula sa kaibigang si Megastar Sharon Cuneta

Hanggang ngayon ay halos hindi pa rin makapaniwala ang beteranang aktres na si Rosanna Roces sa natanggap niyang birthday gift mula kay ‘Megastar’ Sharon Cuneta.

Credit: @therealrosannaroces Instagram

Sa kanyang Instagram ay ibinahagi ni Rosanna o mas kilala rin bilang ‘Osang’ sa marami ang ibinigay sa kanyang regalo ni Sharon na isang mamahaling bag.

Makikita sa litratong ipinost ni Rosanna ang isang hand bag mula sa sikat na luxury brand na Dior. Sobrang espesyal nito dahil isa itong personalized Dior book tote bag na tinatayang umaabot ang halaga ng mahigit P150K. Bukod sa pangalan ng brand, nakatatak din dito ang pangalang ‘Rosanna R.’

Credit: @therealrosannaroces Instagram

Ang nasabing mamahaling bag ay advanced gift umano ng singer-actress kay Rosanna para sa kanyang darating na kaarawan ngayong May 24.

Pinasalamatan naman ni Rosanna si Sharon na itinuturing niyang mabait at mapagmahal na kaibigan. Ayon pa kay Rosanna, hanggang ngayon ay tulala pa rin siya dahil sa regalo ni Sharon para sa kanyang kaarawan.

Credit: @therealrosannaroces Instagram

“Thank You very Much for the advance Bday Gift @reallysharoncuneta ..grabe tulala pa ako hanggang ngayon😘 Personalized talaga grabe..Love mo talaga ako 😢😢😢🧡🧡🧡 may ihahamp@s na ko sa yo @iamtonico …bag mo puro fake !!” sulat ni Rosanna sa caption ng kanyang post.

Credit: @therealrosannaroces Instagram

Samantala, pinuri naman ng maraming netizens ang magandang pagkakaibigan nina Rosanna at Sharon.

“I love this @reallysharoncuneta& @therealrosannaroces your friendship is soo beautiful…I pray to find a friendship as yours”

“grabe!!!! mega lang sakalam!!! @reallysharoncuneta sana magtagal pa po forever ang true friendship niyo po”

“love the friendship My Mega @reallysharoncuneta and Ms. O..Thanks kc minahal mo ang aming Mega”

Credit: @therealrosannaroces Instagram

“Personalized na dior ganyan talaga si mega lalo na pag-alam niya loyal ka sa kanya”

Parehong matagal na sa showbiz sina Rosanna at Sharon ngunit kamakailan lamang ay mas lalo nilang nakilala ang isa’t isa matapos silang magkasama sa pelikulang “Rev!rginized” na malapit nang ipalabas ngayong taon. Comeback movie ni Sharon ang nasabing pelikula kung saan ay katambal niya ang hunk actor na si Marco Gumabao.

Credit: @therealrosannaroces Instagram

Sa kanyang naunang post ay pinasalamatan nga ni Rosanna si Sharon dahil sa busilak nitong puso.  Sinabi rin ni Rosanna na bihira lamang dumating ang isang katulad ni Sharon. Pangako rin ni Rosanna na iingatan niya ang tiwala at pagmamahal na ibinigay sa kanya ni Sharon.