Roxanne Barcelo, buntis na sa unang anak nila ng kanyang non-showbiz husband!

Matapos niyang ianunsyo sa isang vlog December noong nakaraang taon na siya ay kasal na, isang sorpresa na naman ang ibinahagi ng aktres at singer na si Roxanne Barcelo.

Credit: Roxanne Barcelo Instagram    

Nitong Huwebes, January 21, ibinahagi ni Roxanne na siya ay buntis sa unang anak nila ng kanyang mister. Kasama ni Roxanne sa kanyang pinakabagong vlog ang kanyang nakababatang kapatid.

Ang akala ng lahat ay simpleng pagbe-bake lamang ng tinapay ang kanilang mapapanood ngunit sa kalagitnaan ng vlog ay biglang inanunsyo ni Roxanne na siya ay nagdadalang-tao.

Credit: Roxanne Barcelo Instagram

Masayang balita ni Roxanne, “While those buns are in the oven, there’s another bun in the oven, my bun is in the oven.”

Credit: Roxanne Barcelo Instagram

Patuloy ni Roxanne, “Mga Badidap, I wanted to share with you all that I’m preggo!”

Sinabihan umano si Roxanne at ang kanyang mister ng kanilang doktor na isang taon pa ang aabutin bago sila magkakaanak ngunit hindi na umano umabot ng isang taon ang kanilang paghihintay.

Credit: Roxanne Barcelo Instagram

Ani Roxanne, “So ang iniisip namin ng husband ko was that it would take us a year [to have a baby] kasi yun ang sabi ng OB-GYNE ko. So, it didn’t take that long…”

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ibinabahagi ni Roxanne sa publiko kung sino ang lalaking kanyang napangasawa. Maging ang hitsura ng lalaking pinakasalan ni Roxanne ay palaisipan pa rin sa lahat.
Gayunpaman, sinabi ni Roxanne na sulit ang kanyang paghihintay para sa kanyang mister.

Credit: Roxanne Barcelo Instagram

“My partner asked me to marry him and he said he wants to start a family with me. It was a beautiful moment because he asked me twice. He actually asked me a few months after qu@rantine, pero since naka-lockdown pa nu’n, all we knew was we were going to get married before the year ends,” kwento ni Roxanne sa kanyang vlog.

Credit: Roxanne Barcelo Instagram

Dagdag niya, “Totoo pala yung when you know, you know. I knew from the start na siya na yung para sa akin. I got married. Roxanne is officially married, I am taken. Like I said in my vlogs before, he is worth the wait. And guess what, so am I.”