Dumadating talaga tayo sa punto ng ating buhay kung saan ay mas pinipili nating gawing pribado ang ilang aspeto ng ating buhay ngunit hindi naman maitatanggi na may kagustuhan tayong ipaalam sa mundo ang ating kasiyahan katulad na lamang ni Roxanne Barcelo na minsan nang naging pribado at kumakailan lamang nang unti-unti nang bumabalik sa pagiging open sa publiko.
Credit: @roxannebarcelo Instagram
Kilala bilang isa sa mga mahuhusay na aktres sa industriya ng showbiz, talagang all-out si Roxanne sa tuwing nagpapamalas ng talento sa pag-arte at talagang binibigyang hustisya ang bawat roles na gagampanan dahilan kung bakit sobrang patok sa netizens ang mga pelikula o teleseryeng kinabibilangan katulad na lamang ng “Wildflower” na talaga namang tumatak sa puso’t isip ng karamihan.
Bilang isang sikat na aktres, palaging alam ng publiko ang bawat kaganapan sa buhay ni Roxanne. Ayon sa isang interview kasama si Toni Gonzaga, ibinahagi ni Roxanne kung bakit ito nagbago at biglaan na lamang siyang naging pribado matapos ikasal kay Jiggs.
“Alam naman ng lahat ng tao na I like to share too much. I always like to share. But this time, I really have to respect his decision to stay private,” pagtutukoy ng aktres sa asawa.
Kung noo’y hindi ibinunyag ang identity ng asawa at walang anumang hint tungkol sa kanilang kasal, dahan-dahan naman ngayong nagiging open muli si Roxanne sa publiko at nito lamang nang ibinahagi sa publiko ang kanilang “family photo” na matagal nang inaasam na makita ng netizens.
Credit: @roxannebarcelo Instagram
Miyerkules, December 22 nang nagbahagi ng larawan si Roxanne sa kanyang Instagram account kung saan ay makikitang kasama niya ang kanyang asawa na si Jiggs at ang bagong miyembro ng kanilang pamilya na si baby Cinco.
“When I prayed for happiness, the heavens blessed me with true joy and love. You are worth the wait,” sulat ni Roxanne sa unang bahagi ng kanyang caption.
Hindi naman bago sa karamihan na hindi lamang partner sa buhay ang turing ni Roxane kay Jiggs dahil matalik din niya itong kaibigan kaya naman hindi maiwasan ng aktres na isiping napakasuwerte niya sa buhay.
“It is my honor and privilege to be your wife, Jiggs. I am forever grateful for the day you asked me to start a family with you. Thank you for your unconditional love. I love and adore you and @dababycinco with all that I am,” saad ng aktres.
Credit: @roxannebarcelo Instagram
Maaari nang maihalintulad sa isang fairytale ang kuwento ng couple na si Roxanne at Jiggs dahil maliban sa pagiging magkaibigan ay nahanap din nila ang pagmamahal sa isa’t-isa.
Pinili man na maging pribado sa unang bahagi ng buhay nila ni Jiggs bilang mag-asawa, unti-unti naman ngayong ipinapasilip ni Roxanne ang buhay niya sa ibang bansa kasama ang kanyang munting pamilya.