Muling nagbahagi ng ilang detalye ang actress-singer na si Roxanne Barcelo tungkol sa pagkakakilanlan ng kanyang mister na hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa marami.
Credit: @roxannebarcelo Instagram
Noong December 2020, binigla ng Pinoy Big Brother alumna ang marami matapos niyang inanunsyo na ikinasal na siya.
At nito lamang January, masaya naman niyang ibinahagi na nagdadalang-tao siya sa unang anak nila ng kanyang mister.
Credit: @roxannebarcelo Instagram
Ngunit sa mga ibinahaging update na ito ni Roxanne tungkol sa kanyang buhay, ni minsan ay hindi niya binanggit ang pangalan ng kanyang mister o ipinakita ang hitsura nito.
Kaya naman hindi maiwasan ng marami na maging mausisa o ‘curious’ sa lalaking pinakasalan ni Roxanne.
At nito lamang February 28, sa pinakabagong episode ng online talk show ni Toni Gonzaga na “I Feel U”, ibinunyag ni Roxanne na hindi isang Pinoy ang kanyang napangasawa.
Pagbubunyag ni Roxanne, mula sa bansang Hong Kong ang kanyang mister at sobrang napaka-pribado umano nitong tao.
Credit: @roxannebarcelo Instagram
Ani Roxanne, “Hindi siya Filipino. Hindi siya taga dito, he’s from Hong Kong. But he lives a very private life.”
Inamin ni Roxanne na kaya niya piniling hindi ipakilala sa publiko ang kanyang mister ay dahil nais niyang igalang ang desisyon nitong mamuhay nang tahimik at pribado.
“Alam naman ng lahat ng tao na I like to share too much. I always like to share. But this time, I really have to respect his decision to stay private,” paliwanag pa ni Roxanne.
Gayunman, sinabi ni Roxanne na umaasa siya na balang-araw ay maipapakilala niya ang kanyang mister sa mundo.
Credit: @roxannebarcelo Instagram
Ani Roxanne, “I’m hoping one day na dahan-dahan na pwedeng kahit boses man lang, pa-Big Brother ang peg.”
Samantala, ikwenento rin ni Roxanne na sobrang masaya siya dahil natagpuan niya ang kanyang mister.
“He loves me so unconditionally. That alone. ‘Yung parang he accepted who I am. He isn’t afraid to be silly with me. My husband makes me laugh every day.”
Credit: @roxannebarcelo Instagram
Kwento ni Roxanne, bukod sa kanyang namayapang ama, isa ang kanyang mister sa mga lalaking talagang mahal na mahal niya.
“Definitely [my husband] is the greatest man I’ve ever known, that is alive. ‘Yung tatay ko was the greatest man I’ve ever known before meeting my husband, and now I have two beautiful men to really love.”
Pag-amin pa ni Roxanne, kaya niya inilihim ang kanyang buhay pag-ibig at kasal ay dahil gusto niyang protektahan ang isang bagay na napakahalaga para sa kanya.
Credit: @roxannebarcelo Instagram
Ani Roxanne, “It’s so precious and it’s so pure. I just want to enjoy it first and experience it…”