Roxanne Barcelo, soon-to-be mommy of 2 na!

Bagama’t kasalukuyan man ngayong malayo sa kanyang Pinoy fans, nais pa rin ni Roxanne Barcelo na ibahagi ang magandang balita sa kanyang fans dahil kahit nasa ibang bansa man, nananatili namang malapit ang kanyang puso sa mga taong nagbigay sa kanya ng suporta at pagmamahal sa kabuuan ng kanyang career bilang isang aktres.

Credit: @roxannebarcelo Instagram

Isa si Roxanne Barcelo sa mga sikat na aktres sa lokal na industriya ng showbiz dahil kahit bida o kontrabida man, matagumpay talaga niyang naisasabuhay ang ginagampanang karakter dahilan kung bakit labis siyang napamahal sa kanyang Pinoy fans. Of course, kalakip ng kasikatang tinatamasa ng aktres ay ang exposure ng kanyang personal na buhay sa publiko pero mas pinili naman ni Roxanne na panatilihing pribado ang kanyang buhay pag-ibig hanggang umabot nga sa ikalawang anniversary ng kanilang wedding kung saan ay pormal na niyang ipinakilala sa netizens si Jiggs o kung tawagin niyang si “Papa Panda”.

Credit: @roxannebarcelo Instagram

Simula nang unang ipinakita ni Roxanne ang mukha ng asawa sa Instagram, kaagad namang nahumaling ang karamihan sa combination ng looks nila na sumasalamin naman sa kagwapuhan ng kanilang anak na si Cinco.

Nitong mga nagdaang taon, punong-puno talaga ng surpresa ang pamilya ni Roxanne at kung noo’y umabot ng ilang taon bago niya tuluyang ibinahagi ang magagandang balita sa publiko, mukhang hindi na naman niya mapigilan ang sarili na ilihim pa ang pinakabagong news na natanggap nila ni Jiggs at ito ay ang muling pagkakaroon nila ng baby boy!

Sa latest na vlog ni Roxanne sa kanyang Youtube channel, mapapanood kung paano inilaan ng kanyang pamilya ang buong araw sa pamamasyal sa Thailand kung saan sila kasalukuyang namamalagi ngayon pero sa huling bahagi ng video ay may pahabol pa palang surpresa ang aktres kung saan ay masaya nilang ibinahagi ng asawa na magiging kuya na umano si baby Cinco.

Credit: @roxannebarcelo Instagram

Sa revelation ng kanilang magandang balita, tila’y sang-ayon naman sa kanilang precious na moment ang magandang kulay ng langit.

“The sky is so unreal. It has blue, pink, and purple hues. It’s so gorgeous and I think it’s the perfect backdrop for us to tell you guys that…” pabitin na sabi ni Roxanne na tinapos naman ni Jiggs sa kanyang rebelasyon na, “We’re pregnant!”

Credit: @roxannebarcelo Instagram

Sabi pa ng aktres, “We’re having our second baby boy!”

Ayon kay Roxanne, inaasahan umano nila ng asawa na mami-meet ang bagong miyembro ng kanilang pamilya sa susunod na taon at dahil sobrang happy ang aktres na magiging Mommy of 2 na siya, gusto umano niyang ibahagi sa kanyang Pinoy fans ang panibagong milestone sa kanyang buhay.