Rufa Mae Quinto, aminadong nahirapan siyang mag-adjust sa buhay sa Amerika

Sa Pilipinas, isa sa mga beterana na sa mundo ng pagpapatawa at pag-arte ay ang komedyanteng si Rufa Mae Quinto.

Credit: @rufamaequinto Instagram

Masasabing likas ang talento ni Rufa Mae sa pagpapatawa. Sa katunayan, marami ang gumagaya sa kanya lalo na sa paraan ng kanyang pagsasalita.

Ngunit sa kasalukuyan ay malimit na lamang na nakikita si Rufa Mae ng mga manonood magmula nang manirahan siya sa Amerika.

Matatandaang hindi planado ang pagtira ni Rufa Mae sa Amerika. Naka-base ang mister ni Rufa Mae sa Amerika kaya naman nagtungo sila doon ng kanyang anak na si Alexandria para makasama ito noong nakaraang taon.

Credit: @rufamaequinto Instagram

Dalawang linggo lang sana ang pananatili ni Rufa Mae sa Amerika para ipagdiwang ang Valentine’s Day kasama ang mister na si Trevor Magallanes. Kaya nga lang dahil sa p@ndemya, kaya hanggang ngayon ay nasa Amerika pa rin si Rufa Mae.

At kamakailan lamang, ibinahagi ni Rufa Mae sa TV host-reporter na si Pia Arcanghel sa programa nitong “Tunay Na Buhay” ang hirap na pinagdaanan niya habang nag-aadjust sa buhay sa Amerika.
Aminado si Rufa Mae na nahirapan siya noong mga unang buwan nang paninirahan niya sa ibang bansa.

Ayon pa kay Rufa Mae, hindi niya halos akalain na sa kabila ng kanyang natamong kasikatan sa Pilipinas ay sa huli mahuhulog lamang siya sa paghuhugas ng pinggan sa Amerika. Ang tinutukoy niya ay ang pagiging subs0b niya sa gawaing bahay sa Amerika.

Kwento ni Rufa Mae, “Tuwing nakikita ko yung mga artista, sasabihin ko sa sarili ko, tuwing naghuhugas ako ng plato, ‘after everything I’ve done, sumikat ako sa Philippines, ito lang ba ang bagsak ko? Maghugas ng plato? Hirap na hirap ako nu’ng una.”

Ibinunyag din ni Rufa Mae na dahil sa hirap na kanyang naranasan habang nag-aadjust sa kanyang bagong buhay ay hindi niya maiwasan na maging emosyonal.

Credit: @rufamaequinto Instagram

Pag-amin pa ni Rufa Mae, inakala niya noong una na katapusan na ng mundo para sa kanya.

Aniya, “Umiiyak-iyak pa ako. End of the world na para sa akin nu’ng una ko dito.”

Gayunpaman, sa kabila ng h!rap na pinagdaanan niya, positibo at masaya si Rufa Mae dahil nakikita niya ang paglaki ng kanyang anak.

Ani Rufa Mae, “Sabi ko mas mabuti na rin ‘to dahil nakikita ng anak ko yung tunay na buhay.”

Credit: @rufamaequinto Instagram

Ikwenento rin ni Rufa Mae na siya ang gumagawa ng lahat ng gawain bahay at in-charge sa pagpapanatili ng kaayusan sa kanilang tahanan sa Amerika.

“Ako lahat dito kaya wala ka na talagang time para sa kung anu-ano. Kung hindi importante o trabaho, hindi na ako dapat lumabas kasi mag-fall down yung buhay,” pagbabahagi ni Rufa Mae.

Samantala, nang tanungin kung may balak ba siyang umuwi ng Pilipinas, sinabi ni Rufa Mae na plano niyang umuwi ng bansa ngayong taon para asikasuhin ang ilang personal na bagay.