Rufa Mae Quinto, may nakakatawang reaksyon sa kanyang viral graduation photo

Hindi maipagkakailang isa si Rufa Mae Quinto sa mga pinakamahusay na komedyante at aktres sa Philippine showbiz industry.

Credit: @rufamaequinto Instagram  

Maraming manonood ang natutuwa kay Rufa Mae dahil sa kanyang mga iconic jokes at natural na talento sa pagpapatawa.

Kamakailan lamang ay nag-trending si Rufa Mae matapos lumabas ang kanyang litrato kung saan nakasuot siya ng graduation gown ng isang sikat na unbersidad sa Maynila.

Ang nasabing viral graduation photo ni Rufa Mae ay in-edit lamang ni @alterinfluencer at ibinahagi sa kanyang Twitter account.

Credit: @rufamaequinto Instagram

Mas naging kapani-paniwala naman ang edited graduation photo ni Rufa Mae nang ni-repost ito ni @matttchupapi at nilakipan niya sa caption ng isang pahayag na kinuha mula sa linya ng komedyante sa kanyang pelikula na “Status: Single” noong 2009.

Sa nasabing linya ni Rufa Mae sa pelikula ay ibinibigay niya ang kanyang opinyon patungkol sa usaping kapitalismo.

Bukod naman sa linya ni Rufa Mae, may nakalagay din na “Rufa Mae, Magna Cum Laude, AB Economics” ang Twitter post ng nasabing Twitter user.

Umani ng samu’t saring komento mula sa mga netizen ang edited graduation photo ni Rufa Mae. May ilang naniwala na totoo ngang nagtapos na may latin honor si Rufa Mae sa kolehiyo base na rin sa litrato.

Ngunit mas marami naman ang natawa lalo na’t binabasa nila ang linya ni Rufa Mae sa mismong iconic na paraan ng pagsasalita ng komedyante.

Credit: @rufamaequinto Instagram

Samantala, umabot naman kay Rufa Mae ang edited graduation photo niya matapos nitong mag-viral sa mga social media site. Nagbigay nga ng reaksyon ang komedyante sa kanyang kumakalat na edited graduation photo.

Sa isang Instagram post, sinabi ni Rufa Mae na natawa siya sa kanyang litrato at sa salitang “cum laude”.

Ani Rufa Mae, “Natawa ako sa photo and cum laude…”

Nagpasalamat naman ang komedyante sa mga netizen na naaliw sa kanyang litrato.

Ani Rufa Mae, “Thanks [naman] mga ka Twitter and congrats to myself!”

Credit: @rufamaequinto Instagram

Kasalukuyan pa rin ngayong nananatili si Rufa Mae sa California, U.S.A. ang sexy comedian kasama ang kanyang mister na si Trevor Magallanes at ang kanilang anak na si Athena.