Ruffa Gutierrez, binuhat ng mga host ng noontime show na “It’s Showtime”

Tila hindi nawawalan ng paandar ang komedyante at “It’s Showtime” show na si Vice Ganda. Sa pagkakataong ito, bida sa naisip na paandar ni Vice ang beauty queen-actress na si Ruffa Gutierrez na tumatayong isa sa mga hurado ng kanilang segment na “S3xy Babe”.

Credit: Kapamilya Trending YouTube

Napuno nga ng katatawanan ang nakaraang episode ng “S3xy Babe” matapos mapasabak sa isang on-the-spot dance number si Ruffa sa pangunguna ni Vice na nag-direk sa kanyang production number.

Hango ang ginawang dance performance ni Ruffa sa dance performance na ginawa niya noon sa Kapuso Sunday variety show na “GMA Supershow”.

Credit: Kapamilya Trending YouTube

Kahit nga biglaan ang naisip ni Vice na paandar ay game naman si Ruffa na gawin ito. Kabilang sa mga naisip ni Vice ay ang buhatin si Ruffa pagkatapos nitong sumayaw.

Napatanong naman si Ruffa kung kaya ba siyang buhatin ng mga kalalakihan sa studio.

“Parang ano ha! Kailangan yata buong studio ang bubuhat sa akin…Kaya niyo ba ako?” ani Ruffa.

Siyempre, dahil sa may katangkaran si Ruffa kaya naman nagtawag ng malalakas na lalaki si Vice para maisakatuparan ang kanyang plano.

Credit: Kapamilya Trending YouTube

Natawa naman si Ruffa dahil sa dami ng mga tinawag ni Vice para buhatin siya.

Saad pa niya, “Vice, para naman akong 350 lbs nito!”

Muli ay napuno ng tawanan ang buong studio dahil sa sinabi ni Ruffa.

Nang mag-go signal na si Vice ay hindi na nagpapigil si Ruffa at all-out ang kanyang naging dance performance. Ilan lamang sa naging backup dancers ni Ruffa ay sina Vhong Navarro, Ogie Alcasid, Teddy Corpuz, Ryan Bang at marami pang iba.

Credit: Kapamilya Trending YouTube

Ngunit nang buhatin na nila si Ruffa ay tila hindi kinaya ng mga lalaking host at staff ng show ang bigat at tangkad ni Ruffa at hindi nga nila perpektong nabuhat si Ruffa.

Gayunpaman, tuloy pa rin si Ruffa sa kanyang performance kahit na hindi naging maayos ang pagkakabuhat sa kanya.

Samantala, nang matapos ang kanyang dance number ay tila nagreklamo naman si Ruffa dahil ang hihina umano ng mga bumuhat sa kanya.

Ayon pa kay Ruffa, pakiramdam niya para siyang isang lechon sa paraan ng pagbuhat sa kanya ng mga lalaki.

“Oh My God! Grabe kayo! Para akong lechon na binubuhat. Alam mo yung lechon na kakatayin na talagang, nakaganun na ako. Grabe kayo…” sabi ni Ruffa.

Dagdag niya, “Alam mo, parang kailangan ninyong mag-workout. Ang hina nila…”

Kaya naman sa huli ay napuno ng tawanan ang buong studio ng It’s Showtime.