Ruffa Gutierrez, ibinahagi ang naging tugon niya nang magpabili ng P300k-worth na pusa ang mga anak

Kakaiba talaga ang pagmamahal ng isang magulang para sa kanyang mga anak. Bagama’t ikinatutuwa man ng mga magulang ang ngiti ng mga anak sa tuwing naibibigay ang kanilang gusto, may mga pagkakataon din na kinakailangan nating limitahan ang kanilang nais.

Credit: @iloveruffag Instagram

Isa sa mga kinikilalang aktres at hinahangaang beauty queen, hindi kailanman nakalimutan ng publiko ang pangalan ni Ruffa Gutierrez. Mula pa man noon hanggang ngayon, nananatili pa rin ang kasikatan ni Ruffa sa industriya ng showbiz.

Maliban dito, hinahangaan din bilang isang magulang si Ruffa. Mag-isa man sa pagpapalaki at pag-aalaga sa dalawang anak na sina Lorin Gabriella at Venezia Loran, naging matagumpay naman ang aktres dahilan kung bakit napakaraming netizens ang humahanga sa kanyang kakayahan bilang isang “single mother”.

Credit: @iloveruffag Instagram

Katulad na lamang ng ibang mga magulang, nais ni Ruffa na ibigay ang lahat ng pangangailangan at kagustuhan ng mga anak ngunit may mga pagkakataon din na kailangan niyang tumanggi sa ilang hiling ng mga ito.

Matatandaan sa isang episode ng “Reina ng Tahanan” sa It’s Showtime kung saan ay ibinahagi ng aktres sa madlang people ang pagtanggi niya sa hiling ng mga anak.

Credit: @iloveruffag Instagram

Kuwento ni Ruffa, minsan na umanong hiniling nina Lorin at Venezia na magkaroon ng pusa, ngunit nang nalaman kung gaano ito kamahal, kaagad umano itong tinutulan ng aktres.

“Iyong gusto talaga ni Venice at Lorin, bumili ako ng pusa eh’ yung pusa na gusto nila, P300,000! My God!” saad ni Ruffa.

Gulat sa hiling ng mga anak na bumili siya ng mamahaling pusa, hindi napigilan ng aktres na irekomenda na mag-adopt na lamang sila ng pusa sa kalye.

“Kumuha na lang tayo ng pusa sa kalye at alagaan,” sabi ng aktres.

Credit: @iloveruffag Instagram

Ikinuwento rin ni Ruffa na mayroon silang dalawang Golden Retrievers sa bahay kaya ganoon na lamang ang takot na naramdaman niya dahil baka kung ano umano ang gawin ng mga alagang aso sa ipapabiling pusa ng mga anak.

Lalo na ngayong kasagsagan ng p@ndemya, hindi umano ito “practical” na bilhin lalo na’t napakarami ng mabibili sa P300,000.

“Iyong P300,000 marami nang pwedeng gastusan ‘yan, especially ngayon during p@ndemic. ‘di ba?”

Credit: @iloveruffag Instagram

Sumang-ayon naman si Vhong Navarro na sadyang napakamahal talaga ng pusang hiniling ng mga anak ni Ruffa.

“Masyadong mahal at hindi na practical,” ayon kay Vhong.

Hindi man ibinigay ang hiling na pusa, hindi naman ibig sabihin nito na hindi mahal ni Ruffa ang mga anak dahil wala namang sukatan ang pagmamahal niya bilang isang ina sa mga anak na sina Lorin at Venezia.