Hindi maipagkakailang isang supportive na nanay ang aktres na si Ruffa Gutierrez pagdating sa kanyang dalawang naggagandahang anak na sina Lorin Gabriella at Venice.
Sina Lorin at Venice ay anak ni Ruffa sa kanyang dating asawa na si Turkish businessman Yilmaz Bektas.
Credit: @loringabriella Instagram
Ang panganay na anak ni Ruffa na si Lorin ay 17 taong gulang na ngayon at tulad ng isang karaniwang teenager ay mahilig din itong mag-post sa kanyang social media accounts ng kanyang mga litrato.
Madalas naman na ibinibida ni Lorin sa kanyang mga litrato ang kanyang magandang sense of fashion at magandang katawan.
Sa mga nagdaan namang ipinopost na sexy photo ni Lorin ay madalas magkomento si Ruffa at pinupuri ang kagandahan ng kanyang panganay at sinusuportahan ito.
Ngunit kamakailan ay tila lumabas ang pagiging protective na nanay ni Ruffa matapos mag-post si Lorin ng isang litrato kung saan nakasuot ito ng isang revealing bikini na tinatakpan lamang ng isang sexy shorts.
View this post on Instagram
Hindi nga nagustuhan ni Ruffa ang suot ni Lorin sa litrato at sa comment section ay tila pinapaalalahanan niya ang kanyang anak na huwag itong magsuot ng sobrang iksing damit.
Komento ni Ruffa, “Nag shorts ka pa!”
Samantala, matapos punahin ni Ruffa ang suot ng anak ay maraming netizens naman ang nagkomentong hindi umano nagkakalayo ang aktres at ang ina nitong si Annabelle Rama.
Anila, naririnig umano nila ang boses ni Anabelle sa komento ni Ruffa.
“you look like tita anabelle na”
Credit: @loringabriella Instagram
“I can hear your voice and rolling eyes Ate…With Expression “Dios Ko”! Hehehe”
“mommy anabelle ikaw ba yan??”
“parang si maam anabelle din, naaliw po ako sa comment mo maam ruffa”
“very anabelle si mami dito hahahaha”
Lumabas din ang pagiging “protective tito” ng kapatid ni Ruffa na si TV actor Richard Gutierrez dahil sa revealing outfit ng kanyang pamangkin.
Credit: @loringabriella Instagram
Komento ni Richard, “Cover yourself. I dont want any of these guys checking you out.”
Sa ngayon, makikita pa rin sa Instagram account ni Lorin ang nasabing litrato niya kahit na hindi nagustuhan ni Ruffa ang pagiging revealing ng suot niyang damit.
Samantala, nito lamang nakaraang linggo ay naging emosyonal si Ruffa matapos niyang ihatid sa airport si Lorin.
Ani Ruffa, “My baby girl @loringabriella is growing up, graduating high school in June and will fly the nest to follow her dreams real soon.
Isang mensahe rin ang isinulat ni Ruffa para sa kanyang panganay na anak.
View this post on Instagram
Ani Ruffa, “@venicebektas and I will always be here for you when you need to rest your wings. I know you just left but come home fast. It’s so quiet here! We love you.”
Sa panahong isinusulat ito ay kasalukuyan nang nasa sa Los Angeles, California si Lorin