Proud nanay ang aktres na si Ruffa Gutierrez sa kanyang panganay na anak na si Lorin Bektas matapos itong magtapos ng senior high school sa The British School Manila nito lamang June 5.
Credit: @iloveruffag Instagram
Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Ruffa ang letrato nilang mag-ina kung saan ay suot ni Lorin ang kanyang graduation gown at cap.
Sa naturang post ay kinongratulate ni Ruffa si Lorin sa tagumpay na nakamit nito. Ipinaalala din ni Ruffa kay Lorin na siya at ang iba pa nilang kapamilya nandiyan lagi parasuportahan siya sa pagpasok niya sa bagong kabanata ng kanyang buhay.
Credit: @iloveruffag Instagram
Ani Ruffa, “Congratulations to my first graduate, @loringabriella. I will save the hugs, kisses and mushy messages for us in private. Always know that @venicebektas, the family & I are proud of you. We will hold your hand as you move forward to the next chapter in life.”
Bilang isang ina naman ay hangad ni Ruffa ang tagumpay ni Lorin at bilin niya rito na huwag kalimutan ang Panginoon habang inaabot nito ang kanyang mga pangarap.
Credit: @iloveruffag Instagram
Ani Ruffa, “Soar high! Follow your dreams but never forget…God first. WE LOVE YOU!”
Samantala, isang bonggang graduation party naman ang inihanda ni Ruffa para ipagdiwang ang pagtatapos ni Lorin.
Makikita sa hiwalay na post ni Ruffa ang ilang letrato kuha mula sa naganap na graduation party ni Lorin.
Credit: @iloveruffag Instagram
Kwento ni Ruffa, habang papunta siya “It’s Showtime” para sa segment ng show na “Reina Ng Tahanan” ay hindi niya maiwasan maging emosyonal. Pag-amin ni Ruffa, hindi niya mapigilang maluha habang inaalala ang graduation celebration na ginawa nila para kay Lorin.
Sa kanyang post ay binigyang-pugay ni Ruffa ang mga kapwa niya single mothers na nagsisikap sa pagtatrabaho para sa kanilang mga anak.
Credit: @iloveruffag Instagram
Ani Ruffa, “As I make my way to @itsshowtimena for “Reina Ng Tahanan” and reminisce the intimate celebrations we had for @loringabriella ‘s graduation I can’t help but get teary eyed. 🥺”
Dagdag niya, “Today I want to salute all the hard-working single mothers who have raised their children with courage and strength on their own.”
Ayon pa kay Ruffa, hindi man madali para sa mga katulad niyang ina na mag-isang itinataguyod ang mga anak ngunit nagsisikap umano sila.
Credit: @iloveruffag Instagram
Aniya, “The road is never easy but we persevere. 🙌🏻 Keep the faith that God will reward our struggles with blessings we can’t even begin to imagine. Congratulations again to my graduate Lorini Pie!❤️👑 You’re next Baby girl, @venicebektas 🤩”
Si Ruffa ay matatandaang hiwalay na sa ama ng kanyang dalawang anak na sina Lorin at Venice na si Turkish businessman Yilmaz Bektas noong 2007.