Ryan Bang, binisita ang nag-viral na Korean vendor na nastranded sa Pilipinas at binigyan ng pera para makauwi na sa Korea

Tinulungan ni “It’s Showtime” host Ryan Bang ang kanyang kababayang Koreano na makauwi na sa Korea matapos maabutan ng lockd0wn dito sa Pilipinas.

Credit: Ryan Bang YouTube       

Pinuntahan mismo ni Ryan ang kanyang kababayan matapos niyang mapanood sa balita ang nakakaawang sitwasyon nito na nanatili ngayon sa Las Piñas para magbenta ng ramen upang makaipon ng pera na pambili ng tiket pauwi sa kanyang bansa.

Credit: Ryan Bang YouTube

Sa kanyang pinakabagong vlog, mapapanood ang pagbisita ni Ryan at pagbibigay niya ng pera sa kanyang kababayan na kinilala bilang si Mr. Jang Sam Hyun.

Kamakailan nga ay kumalat ang mga letrato ni Mr. Jang sa social media na nagbebenta ng Ramen sa daan.

Ito ang nagbigay daan para malaman ni Ryan ang kasalukuyang sitwasyon ng kanyang kababayan. Personal nga niyang tinungo ang pwesto nito sa Las Piñas para kumustahin at ibigay ang pera na pambili nito ng tiket pauwi ng Korea.

Credit: Ryan Bang YouTube

Para makauwi na si Mr. Jang ay kinansela muna ni Ryan ang kanyang plano na umuwi ngayong Pasko sa Korea. Aniya, ibibigay muna niya ang tiket kay Mr. Jang para makauwi na ito.

Ani Ryan, “Konti na lang makakauwi na siya sa Korea. So tulungan natin para makabili po siya ng tiket. Dapat ngayong Pasko uuwi ako sa Korea pero hindi na lang ako uuwi ibibigay ko na lang sa kanya ang tiket.”

Credit: Ryan Bang YouTube

Sa vlog ay mapapanood ang pag-abot ni Ryan ng isang sobre na naglalaman ng pera na pambili ng tiket ni Mr. Jang.

Saad ni Ryan kay Mr. Jang, “This is may not be a lot, I wanted to give you money so you can go back home. I wanted to help with buying your plane ticket to Korea.”

Credit: Ryan Bang YouTube

Kwento pa ni Ryan, lumaki siya sa kanyang lolo kaya naman nasaktan siya nang makita niya sa balita si Mr. Jang dahil naaalala umano niya rito ang kanyang Lolo.

Credit: Ryan Bang YouTube

“I grew up with my grandfather. I remembered my Grandpa and I was in pain when I saw the news so I hope with this you can now buy your ticket,” kwento ni Ryan.

Credit: Ryan Bang YouTube

Hindi naman mapigilan ni Mr. Jang na maluha dahil sa kabaitan na ipinakita ni Ryan. Aniya, si Ryan pa lamang umano ang nag-iisang Koreano na lumapit sa kanya at tinulungan siya. Naging emosyonal si Mr. Jang habang pinapasalamatan si Ryan.

Credit: Ryan Bang YouTube

Aniya, “Thank you. You’re the first Korean to come. No Korean has ever come to see me. No one has ever bought ramen. You’re the only one.”

Credit: Ryan Bang YouTube

Sa vlog ay nagpasalamat naman si Ryan sa lahat ng mga Pinoy na tumulong sa kanyang kababayan.

Aniya,“Maraming salamat sa lahat ng mga Filipino na tumulong sa aking kababayan. Maraming salamat sa inyo. Thank you so much.”