Kahit na’y magkakaiba ang buhay ng bawat isa, may mga pagkakataon at moments pa rin na magkakatulad lalo na sa kapwa mga Momshie kapag usapang experience na.
Credit: @iamryzacenon Instagram
Tunay nga na life-changing ang pagiging Mommy. Hindi lamang sa mentality dahil pati ang routine ay nagbabago rin. Kung noon ay sarili lamang ang inaasikaso sa bawat araw, nailalaan na ang halos lahat ng oras at atensyon sa pag-aalaga ng baby at pag-aasikaso sa mga pangangailangan nila.
Hindi naman kasi talaga biro ang pagiging isang ina at muli itong pinatunayan ng celebrity mom na si Ryza Cenon nang ibinahagi niya sa Instagram ang kanyang moment na sobra namang relatable sa kapwa niya mga Mommy.
Ayon kay Ryza, pagkatapos asikasuhin ang kanyang baby, may mga pagkakataon talaga umano kung saan ay bigla na lamang siyang napapatulala at napapaisip pero buong-puso naman niyang nauunawaan na ganito talaga ang buhay bilang isang ina kaya sa kabila ng pagod na nararamdaman, wala umano siyang time upang magpakalunod sa stress dahilan kung bakit kaagad siyang nagswi-switch sa kanyang “game mode”.
Credit: @iamryzacenon Instagram
“After mo mag pakain, magpaligo, saka patulog ng anak mo… may moment talaga na mapapaupo ka tapos matutulala ka nalang sa pagod then sabay hingang malalim then game na ulit. ☺️🥹,” pagkukuwento ni Ryza sa kanyang post sa Instagram kalakip ng isang larawan kung saan ay makikita ang aktres na nakatulala.
Dahil sa kanyang kuwento, marami ang naka-relate kay Ryza lalong-lalo na ang mga katulad niyang mommies at isa na nga sa mga ito ay ang kapwa niya celebrity na si Sam Pinto.
“Always haha,” komento ni Sam Pinto.
“Relate momsh , tas maglilinis pa bahay, palengke, with luto pa. 🤧🤦🏻♀️”
Credit: @iamryzacenon Instagram
“🙋♀️ tapos linis bahay pa po.. asikaso po sa mga furbaby.. luto dito may kasabay pang laba duon.. minsan di mo mapapansin makakatulog ka nalang sa isang tabi 😅😅 minsan habang nakain pa nga 😅😅 pero kahit sabay sabay ang gawain sa araw araw dapat lagi tayong laban 💪💪”
“Present po! 🥺🙋🏻♀️ tapos pag gising na sya wala ka ng ibang magagawa 😂”
“Super relateeee 😢 pero fulfilling naman everyday! Lavaaarn ❤️🔥”
Credit: @iamryzacenon Instagram
Kahit na’y minsan ay nakakapagod at nakaka-stress man ang pag-aasikaso at pag-aalaga sa mga anak, isa naman fulfilling na role ang pagiging isang ina. Tulala man saglit pero bumabalik naman kaagad “game mode!”