Ryza Cenon, nagpaabot ng tulong sa nagtrending na 80-anyos na lolo na ikinul0ng dahil sa isyung pagnanak@w ng mangga

Bagama’t labis naman ang kasikatan at tagumpay na tinatamasa ngayon, malaki pa rin ang pagpapahalaga ng iilang artista na magbahagi ng tulong sa kanilang kapwa lalo na ang mga taong talagang nangangailangan.

Credit: @iamryzacenon Instagram

Isa na nga sa mga ito ay ang sikat na aktres na si Ryza Cenon na kumakailan lamang nang nagpaabot ng tulong sa matandang viral ngayon sa social media dahil sa isyung pagnanak@w ng mangga.

Matapos kumalat ang balitang ikinul0ng ang 80 anyos na si Lolo Narding Floro dahil sa pagpitas niya ng 10 kilong mangga sa mismong puno na itinanim umano niya at ngayon ay binakuran na ng mga taong nag-akusa sa kanya ng pagnanak@w, hindi umano napigilan ni Ryza na umaksyon kaya naman talagang effort siya sa pakikipag-ugnayan sa pul!sya upang maresolba ang kaso ng matanda.

“Pinapitas ko ‘yung isang puno ng mangga, wala pang sampung kilo. Ang alam ko, sakop namin. Noong binakuran nila, sinakop naman na nila pero tanim ko naman ‘yun,” ayon kay Lolo Narding.

Credit: Asingan PIO Facebook

Base sa ulat ng Asingan PIO, isang linggo na umanong nananatili si Lolo Narding sa kanilang kustodiya at matagal na niyang gustong makauwi kaya naman kahit si Ryza ay nakaramdam na ng awa para sa matanda.

Ayon kay Lolo Narding, gusto niya sanang makipag-settle ngunit tinanggihan umano siya at siningilan ng 6,000 pesos upang pansamantala siyang makalaya.

Credit: Asingan PIO Facebook

“Ang gusto ko sana, makipagsundo. Maliit lang naman kasi na bagay. Nong ibinigay ko ‘yung bayad, ayaw nilang tanggapin. Ang sabi nila, bayaran ko ng P6,000,” mangiyak-ngiyak na pahayag ni Lolo Narding.

Nang nakarating ang balitang ito sa aktres, kaagad umanong nag-offer si Ryza na siya na ang magbabayad sa piyansa at nang makalaya na ang matanda sa kulungan.

Kumakailan lamang nang ibinalitang pansamantala na umanong makakalaya si Lolo Narding dahil sa perang ibinahagi ng pulisya at sa mga taong sumusuporta sa kanya.

Credit: @iamryzacenon Instagram

Sikat at successful man bilang isang aktres, sinisiguro pa rin ni Ryza na makakaabot pa rin sa kanya ang mga balitang tungkol sa kapwa niyang labis ang pinagdadaanang problema sa buhay.

Talagang napakabusilak ng puso ng nag-iisang Ryza Cenon!