Ryza Cenon, sinisi ang sarili sa hindi magandang nangyari sa kanyang baby

Walang ni isang salita ang makakapaglarawan sa relationship ng isang ina at ng kanyang anak. Somehow, connected ang kanilang emosyon kaya talagang ramdam ng ina ang kasiyahan at sakit na nararamdaman ng kanilang mga chikiting.

Credit: @iamryzacenon Instagram

Ayon nga sa iba, mas emosyonal at empathic ang mga babae kaya hindi talaga masisisi ang kanilang instinct ukol sa mga pangyayari lalo na kapag involved ang kanilang anak. Sa tuwing nakikita ang ngiti ng kanilang mga chikiting, kaagad na lumalambot ang puso ng kanilang Mommy ngunit kapag nasasaktan ito, doble rin ang sakit na nararamdaman ng mga Mommy kaya hangga’t maari, inilalayo nila sa kapahamahakan ang kanilang mga chikiting ngunit may mga pagkakataon talaga na kahit gaano man tayo ka-protective, hindi natin napipigilan ang mga bagay na wala na sa ating control.

Sa unang mga buwan at mga taon ng isang baby, talagang todo ang pag-aalaga na ibinibigay ng kanilang mga ina dahil hindi pa masyadong malakas ang mga buto at marami pang malalambot na parte sa kanilang katawan na madaling masugatan ngunit sa edad rin na ito, napakakulit din nila at walang kamuwang-muwang na lumalapit sa d!sgrasya katulad na lamang sa nangyari sa baby ni Ryza Cenon na nahulog sa kama habang ito’y natutulog.

Credit: @iamryzacenon Instagram

Ayon sa ibinahagi ni Ryza sa Instagram kamakailan lamang, ikinuwento niya na mas nagiging makulit si baby Night at kahit mahimbing na natutulog, hindi ito napipirmi sa iisang posisyon.

May isang gabi umano na kahit may nakaharang na unan, nagawa pa rin ng kanyang chikiting na pumatong. Sa kanyang pag-aalala na baka mahulog ito sa kama, mas minabuti ng aktres na tanggalin na lamang ang nakarahang na unan ngunit sa hindi niya inaasahan, nagkatotoo ang kanyang ikinakabahala at kaagad na pinagsisihan na sana’y hindi na niya kinuha pa ang iniharang na unan.

Credit: @iamryzacenon Instagram

“May gabi na nasa kama sya tumuntong sya sa unan konti nalang pwede sya mahulog kahit may harang. So ginawa ko pilit kong tinanggal yung unan ayun nagderetso syang na hulog hindi ko nasalo..😭😢,” saad ni Ryza.

Sa kanyang guilt, paulit-ulit na humingi ng sorry si Ryza sa kanyang anak at hindi napigilan ang sarili na umiyak dahil kasalanan umano niya ang hindi sinasadyang pagkahul0g ni baby Night sa kanilang kama.

Credit: @iamryzacenon Instagram

Sobrang [email protected] para sa anak, ipinangako ni Mommy Ryza na hindi na mauulit ang ganoong pangyayari at sinabing mas dodoblehin pa niya ang pagbabantay sa anak lalo na’t mas nagiging makulit ito sa bawat araw na lumilipas.