Ryzza Mae Dizon, dalagang-dalaga na at ginulat ang netizens sa kanyang ‘slimmer figure’

Ginulat ni Kapuso actress-host Ryzza Mae Dizon ang netizens dahil sa mas ‘slimmer figure’ niya ngayon.

Sa Instagram, ipinost ni Ryzza ang isang full-body picture kung saan kapansin-pansin ang kanyang pagpayat.

Credit: @ryzzamaedizon_ Instagram

Ibang-iba na ang imaheng ipinapakita ni Ryzza ngayon kaysa sa dating cute image niya. Mas bumagay ang bangs ni Ryzza sa mas payat at maliit niyang mukha.

 

View this post on Instagram

 

(^_^)

A post shared by ✨ Ryzza ✨ (@ryzzamaedizon_) on

Todo pose rin si Ryzza sa salamin. Bukod sa ‘slimmer figure’, tumangkad din ang dating child actress. Bagay na bagay tuloy sa actress-host ang suot niyang croptop, black shorts at isang stylish sneakers.

Credit: @ryzzamaedizon_ Instagram 

Sa edad na 15 taong gulang, mukhang nagsisimula nang unti-unting magdalaga si Ryzza. Sa iba pa niyang mga larawan, nag-iba na rin ang style ng pananamit nito. Mas dalaga nang tingnan si Ryzza suot ang kanyang mga trendy off-shoulder top.

Credit: @ryzzamaedizon_ Instagram

Umani naman ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens ang transformation ni Ryzza. Maraming netizen at tagahanga ni Ryzza ang nagulat at nasiyahan dahil mas bumagay umano sa host-actress ang ‘slimmer figure’ nito. Dahil sa kaniyang slimmer figure, ay mas tumingkad daw ang kagandahan at cuteness ni Ryzza. Ani ng netizens:

“Wow pumuti ka na sa qu@rantine at slim ka na. Dalaga ka na Ms. Ryzza 😍❤️

Credit: @ryzzamaedizon_ Instagram

“Ryzza you look slim! Good for you! Continue to be fit mas bagay sa u! You’re growing to be pretty more!”

“You’re so dalaga na ryzzamaedizon hope everything will be back to normal so we can see you all again in eb stage again, take care & stay safe always”

Credit: @ryzzamaedizon_ Instagram

“Pa-dalaga ka na talaga. Take good care of yourself. You’re beautiful.”

“Boss Madam @ryzzamaedizon_ young lady kn po!! Getting prettier na din.. ❤️

Credit: @ryzzamaedizon_ Instagram

“Nuxx, ryzza ibang iba kana talaga, dati napapanood lang kita sa the ryzza mae show Gandaaa”

Samantala, pansamantala munang hindi mapapanood sa “Eat Bulaga” stage si Ryzza alinsunod sa ipinapatupad na regulasyon ng gobyerno kung saan bawal lumabas ang menor de edad at senior citizens ngayong panahon ng qu@rantine.

Credit: @ryzzamaedizon_ Instagram

Hindi naman ito alintana ni Ryzza dahil nagkakaroon pa rin siya ng appearance sa noontime show sa pamamagitan ng video conferencing application.

Si Ryzza ay unang sumikat nang sumali siya sa “Little Miss Philippines” segment show ng “Eat Bulaga” noong 2012. Kinagigiliwan si Ryzza ng mga manonood dahil sa kanyang likas na pagiging komedyante.

Credit: @ryzzamaedizon_ Instagram

Lumabas na rin sa ilang TV show at pelikula si Ryzza. Kabilang dito ang kanyang kauna-unahang talk show na “The Ryzza Mae Show” na umere taong 2013 at ang kanyang unang pelikulang ginawa kasama si ‘Bossing’ Vic Sotto na “Si Agimat, si Enteng Kabisote at si Ako” noong 2012 Metro Manila Film Festival.

Credit: @ryzzamaedizon_ Instagram

Sa ngayon, pinasok na rin ni Ryzza ang pagba-vlog. Sa kasalukuyan, mayroon ng mahigit 100K subscribers si Ryzza sa kanyang YouTube channel.