Ryzza Mae Dizon, pokus ngayon sa pagwo-workout para ma-achieve ang isang fit at healthy na katawan!

Ibang-iba na talaga ngayon ang Eat Bulaga host na si Ryzza Mae Dizon. Ganap nang dalaga ngayon ang dating child actress.

Credit: @ryzzamaedizon_ Instagram

Noong nakaraang Hunyo, matatandaang ipinagdiwang ni Ryzza Mae ang kanyang 16th birthday. Kamakailan ay ibinahagi naman niyang ngayong siya ay nagdadalaga na, isa sa kanyang prayoridad ay ang maging healthy at fit!

Sa programang “Stories of Hope,” masayang ikwenento ni Ryzza Mae na ngayong panahon ng [email protected] mas naging tutok siya sa pagwo-workout. Ayon kay Ryzza Mae, ang kanyang ina ang talagang nagtulak sa kanyang alagaan ang kanyang katawan at kalusugan.

“‘Pag hindi ako nag-work out, lagot ako kay Mama. Magagalit siya sa akin kasi gusto niya po na fit ako, healthy po ako kasi importante ang workout sa ‘tin para rin po yung katawan natin inside healthy rin po,” paglalahad ni Ryzza Mae sa programa.

Credit: @ryzzamaedizon_ Instagram

Giit pa ni Ryzza Mae, “Mahirap na po ‘pag nagkasakit. Dapat maintain lang po ‘yong healthy lifestyle.”

Ngunit bukod sa pagkamit ng isang malusog na katawan, may isang goal pang gustong ma-achieve si Ryzza Mae kaya mas dedicated siya ngayong mag-workout.

Pag-amin pa niya, “Gusto ko rin naman po na pumayat po ako kahit konti, kasi siyempre nagdadalaga na po ako. And para magka-leeg na rin po ako kahit konti.”

Nakilala si Ryzza Mae ng marami noon bilang “Aleng Maliit.” Siya ay sumikat matapos siyang tanghalin bilang “Little Miss Philippines” ng noontime show na Eat Bulaga noong 2012.

Credit: @ryzzamaedizon_ Instagram

Matatandaang 7-anyos pa lamang noon si Ryzza Mae nang una siyang mapanood ng milyun-milyong Dabarkads. Kinatuwaan siya ng marami dahil sa kanyang talento sa pagpapatawa at kwelang personalidad.

Matapos namang manalo si Ryzza Mae sa nasabing pageant ay nagbukas ang maraming pinto ng oportunidad para sa kanya. Nabigyan ng pagkakataon si Ryzza Mae na maging host ng Eat Bulaga at maging isa sa mga pinakabatang host sa Philippine television.

Credit: @ryzzamaedizon_ Instagram

Nagkaroon din siya ng sarili niyang show na “The Ryzza Mae Show” noong 2013 kung saan ay mas na ipakita at nahasa niya ang kanyang galing sa hosting at pagpapatawa. At sino ba ang makakalimot sa pinasikat na sayaw ni Ryzza Mae na “Cha Cha Dabarkads”?

Ngunit bukod sa pagho-host, kaliwa’t kanan din ang dumating na acting projects para kay Ryzza. Bumida si Ryzza Mae sa ilang TV shows ng GMA 7 tulad ng “Princess in the Palace”, “Vampire Ang Daddy Ko” at “Daddy’s Gurl” kung saan ay nakasama niya ang batikang comedian-actor na si Vic Sotto.

Credit: @ryzzamaedizon_ Instagram

Samantala, ngayong [email protected], kabilang si Ryzza Mae sa mga artistang kailangan munang magtrabaho sa bahay o mag-work from home alinsunod sa mga ipinapatupad na safety protocol kung saan bawal magtrabaho ang mga menor de edad.