Sa isang Q&A ni Joey Marquez kasama ang anak na si Winwyn, ibinahagi ni Joey kung paano malalaman kapag nanloloko na ang partner mo

Maraming netizen ang humiling sa beauty queen na si Winwyn Marquez na gumawa ng vlog kasama ang kanyang actor/comedian na amang si Joey Marquez. Pinaunlakan naman ito ng dalaga at ibinahagi sa kanyang YouTube channel ang ginawang vlog kasama ang ama.

Credit: Winwyn Marquez YouTube

Sa nasabing vlog, sinabi ni Winwyn sa ama na magbigay ng limang tips kung paano malalaman kung niloloko ka na ng partner mo.

“Totoo ba ‘yung kapag ang phone nakatakip, o ayaw ibigay ang password. Tapos dinadala sa banyo o ayaw iwan?” panimulang tanong ni Winwyn sa ama.

Credit: Winwyn Marquez YouTube

“Old school na ‘yon,” agad na sagot ni Joey.

“Magaling na ‘yung mga expert,” pabirong dagdag pa nito.

“So ano talaga ang top 5 na feeling mo kailangan mo na talaga magduda,” curious na tanong ni Winwyn.

“Number 1, kapag tinanong mo ‘yung partner mo kung saan nagpunta, anong ginawa o bakit na -late at biglang nag-‘ha?’” paliwanag ni Joey na iniaksyon pa ang itsura na tila natulala habang nakatingin sa itaas.

Credit: Winwyn Marquez YouTube

“Biglang gumanon, ‘yung biglang nagbibingi,” dagdag pa nito.

Tawang-tawa naman si Winwyn at agad na sinabing, “Guys disclaimer lang ha, eto ‘yung mga feeling lang ni Daddy. Hindi ko naman sinasabi na lahat ganon pero feeling nya lang naman.”

“Number 2 ‘yung masyadong sweet,” wika ni Joey na ipinagtaka naman ni Winwyn sabay tanong kung bakit.

Credit: Winwyn Marquez YouTube

“Kasi may kasalanan eh!” agad na sagot ni Joey na sinundan ng tawanan.

“Number 3, kapag tinatawagan mo hindi sumasagot 90% ‘yan, tapos sasabihin sa’yo lowbatt. Pero nagriring,” paliwanag ni Joey.

“Meron pa ‘yung kapag tinawagan mo buo tapos bigla nagpuputol ‘yung linya? Pine-fake n’ya ‘yun,” dagdag pa nito sabay bigay ng halimbawa kaya lalong walang humpay ang tawanan ng mag-ama.

Credit: Winwyn Marquez YouTube

“Number 4, kapag nababawasan na ng oras sa’yo ibig sabihin may ka-sharing ka na,” paliwanag ni Joey

“Gumagawa ng rason kunware busy ako eh, pero may kausap nang iba ’yun,” dagdag pa nito.

“Number 5. Ito talaga pinakabuko. ‘Pag nagwrong send!” ani Joey sabay tawa nilang dalawa.

“Sigurado ‘yun 99.99%,” dagdag pa nito.

Napuno ng tawanan ang nasabing vlog at kinapulutan din naman ng ilang payo mula kay Joey. Sinabi ng dalawa na hindi ito ang una’t huling pagkakataong gagawa sila ng video at sa susunod ay muling magbibigay ng tips si Joey kung paano naman malalaman na mahal ka talaga ng iyong partner.