Nanganak na ang aktres na si Assunta de Rossi. Noong October 23 ng umaga, ay isinilang ni Assunta ang unang anak nila ni Jules Ledesma na pinangalanan nilang Giulia Florentina Alessandra at may palayaw na Fiore o ‘flower’ sa wikang Italiano.

Kinumpirma ng isang family friend ni Assunta na si Jun Lalin ang panganganak ni Assunta sa kanilang baby girl.
Sa kanyang Instagram, ay ipinost ni Jun ang larawan ni Baby Fiore. Ayon sa caption ng post, ipinanganak ni Assunta si Baby Fiore sa pamamagitan ng “elective CS at 38 weeks due to my0ma uteri” sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City.

Ayon naman sa artikulong inilathala ng Latestchika.com, sinabi umano ng talent manager ni Assunta na si Annabelle Rama na bawal pa raw tumanggap ng bisita ang aktres ngunit nagpadala naman daw ito ng mga larawan sa kanya.
Kwento pa ni Annabelle, katulad ng kanyang mommy at daddy ay napakaganda umano ng anak ng aktres.

Ani Annabelle, “Maganda ang baby dahil maganda si Assunta at guwapo si Jules.”
Samantala, isang larawan din ang ipinost ng kapatid ni Assunta na si TV actress Alessandra de Rossi.
Sa larawan ay makikita ang hindi maitagong “tears of joy” ni Assunta habang nasa tabi niya ang kanyang bagong silang na anak.

Kapansin-pansin din sa mga mata ni Assunta na masayang-masaya siya sa pagdating ng kanyang “miracle baby” na hinintay din nila ni Jules ng halos 20 taon.

Wala namang pagsidlan ang kaligayan at pasasalamat ni Alessandra dahil sa wakas ay natupad na ang pinapangarap ng kanyang ate, ang magkaroon ng sarili nitong anak.
Sa caption ay naging emosyonal din si Alessandra.
Aniya, “This is the most beautiful photo for life! Little Fiore and tears of joy in my sister’s eyes. β€οΈπ₯Ίππ» 20 years in the making! Miracles happen every day, and this one is the best! Congratulations @assuntaledesma @julesledesma β€οΈ and of course to the new granny na mas oa pa sa naganak, @ermatsko π€£π€£π€£ THANK YOU LORD ππ»ππ»ππ»”

Bumaha naman ang congratulatory messages para sa mga bagong magulang na sina Assunta at Jules.
Kabilang sa mga nagpahayag ng kanilang pagbati ay sina Angel Locsin, Derek Antoinette Jadaone at Oscar Oida.