Sabaw moment ni Buboy Villar sa “Family Feud,” labis na kinaaliwan ng netizens!

May mga pagkakataon talaga sa buhay na kahit sobrang lalim ng ating pag-iisip ay napapasagot pa rin tayo ng mali marahil ay dahil sa sobrang dami ng ating iniisip o ‘di kaya’y distracted katulad na lamang ni Buboy Villar na pinangunahan lang naman ng kanyang sabaw moment sa “Family Feud”.

Credit: @buboyvillar Instagram

Simula nang pinasok ang mundo ng showbiz, isa na talaga si Buboy Villar sa instant na celeb faves ng karamihan at ngayong isa siya sa cast ng “Running Man PH,” talagang mas inaabangan ng netizens ang bawat episode ng programang ito lalo na’t matagumpay ang naging feedback ng publiko sa pinakaunang episode na ipinalabas nito lamang September 4 ngunit tila’y hindi lamang sa mismong show naipapamalas ni Buboy ang kanyang comedic na personality dahil abot rin ito sa latest na episode ng game show na “Family Feud” kung saan ay kasama niya sina Ruru Madrid, Glaiza de Castro, at Mikael Daez.

Sa pagkapanalo ng cast ng “Running Man PH” laban ang iilang Pinoy fans ng “Running Man Korea,” sina Buboy ang nag-proceed sa “fast money round” kung saan ay sumagot sila ng limang katanungan sa loob lamang ng 25 seconds.

Credit: @buboyvillar Instagram

Pare-pareho man na easy ang karamihan sa survey questions na ibinabato ng game master na si Dingdong Dantes pero marahil ay dahil sa limitadong oras, tila’y nataranta si Buboy sa pagsagot sa tanong na, “In English, anong month ang may letter A” dahil sobrang lutang lang naman ng kanyang naging sagot na, “Month na may letter A… Monday?”

Pagkatapos na pagkatapos naman ng kanyang sabaw moment, kaagad namang mapapansin sa expression ng komedyante na kahit siya mismo ay na-shookt sa kanyang sariling sagot dahilan kung bakit sobrang dami ng naaliw at natawa.

Credit: @buboyvillar Instagram

Bagama’t mali, panalo naman ang naging sagot ni Buboy sa lahat ng mga manonood. Dahil sa sabaw moment ng komedyante, ibinahagi ng “Family Feud” sa Tiktok ang videoclip na ito na kasalukuyan ngayong umaani ng lagpas 3.5 milyong views at patuloy na inuulan ng sari-saring komento mula sa netizens.

Sa kabila ng maraming taon na pamamalagi niya sa showbiz at ilang beses na exposure sa media, tila’y sanay na sanay na talaga si Buboy Villar kapag kaharap ang maraming tao ngunit hindi talaga natin naiiwasan na mawala sa concentration lalo na kapag may limitadong oras sa pagsagot kaya talagang napa-blurt out na lamang ang komedyante sa kanyang mali pero nakakatawang sagot.

Credit: @buboyvillar Instagram

Dahil dito, muli lang namang pinatunayan ng komedyante na kahit hindi planado o walang script ay kayang-kaya pa rin niyang magpatawa.