Sam Pinto at PBA star na si Anthony Semerad, sumabak sa isang “beach fitness chic” prenup photo shoot

Usong-uso ngayon ang mga engagement photo shoot o tinatawag din ng karamihan na “prenup” photo shoot sa mga soon-to-be married couple.

Credit: @sampinto_ Instagram

Kahit nga may p@ndemya ay kanya-kanyang diskarte ang bawat engaged couples para gawing memorable ang kanilang prenup photo shoot na maaaring maging souvenir ng kanilang engagement.

Kabilang nga ang celebrity couple na sina dating PBB housemate Sam Pinto at PBA star Anthony Semerad sa mga engaged couple na sumabak kamakailan sa isang prenup photo shoot.

Credit: @sampinto_ Instagram

Sa kani-kanilang Instagram account ay ibinahagi nina Sam at Anthony sa mga netizen ang kanilang mga sweet at intimate photo na kinunan mula sa isang beach sa Batangas City.

Ayon sa Instagram post ng kanilang official photographer na si Pat Dy, “beach fitness chic” ang tema ng prenup photo shoot nina Sam at Anthony.

Credit: @sampinto_ Instagram

Sa mga litrato ay makikita si Sam na sexy na sexy suot lamang ang kanyang white swimsuit na pinatungan niya ng isang puting long dress.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sam Pinto (@sampinto_)

Inamin naman ni Sam na nakaramdam siya ng kaba habang ginagawa nila ang prenup photo shoot. Ani Sam, medyo matagal-tagal na raw kasi siyang hindi sumasabak sa isang photo shoot kaya naman pakiramdam niya ay kinakalawang na siya

“Haven’t done a shoot in ages😅 I felt so rusty and nervous being in front of the camera again. Plus I did my hair and make up! Lol,” pagtatapat ni Sam.

Sa kabila ng kanyang kaba, naging komportable naman daw ang kanilang prenup photo shoot ni Anthony dahil sa magaling na team na nasa likod ng kanilang photo shoot.

Credit: @sampinto_ Instagram

Dagdag ni Sam, first time din daw nilang sumabak ni Anthony ng magkasama sa isang “professional shoot”.

Aniya, “Super thanks to this awesome team who made @anthonysemerad and I feel so comfortable. This is actually our first time to do a professional shoot together! Hehe So happy how this turned out to be — a super chill, easy, beautiful shoot! 🙌🏼”

Credit: @sampinto_ Instagram

Samantala, sa isang hiwalay na Instagram post ibinahagi naman ni Sam na isang civil wedding muna ang gagawin nila ni Anthony.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sam Pinto (@sampinto_)

Ayon kay Sam, ngayon darating na March 8 na gaganapin ang civil wedding nila ni Anthony.

“We’re actually going to do a civil wedding first. This date has been set pre c0vid. And everything/everyone was booked already.. That’s why we’re still pushing through even with a VERY small civil wedding (literally like 4 guests lol),” pahayag ni Sam.

Credit: @sampinto_ Instagram

Dagdag niya, “We’ll have a semi bigger wedding end of this year with our loved ones present 🙏🏼 Claiming this is our year! Only peace, happiness, blessings and positive vibes! Everything that is happening is suppose to happen.”

Sina Sam at Anthony ay na-engage noong 2019 habang nagbabakasyon sila sa Australia.