Blooming na blooming ang modelong si Sam Pinto sa kanyang maternity photos. Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Sam ang kanyang maternity photos kung saan ay ibinida niya ang kanyang malaking baby bump. Kuha ng professional photographer na si Niko Gonzales ang maternity photos ni Sam.
Credit: @sampinto_ Instagram
Sa mga larawan ay makikita ang kakaibang glow sa mukha ni Sam kung saan ay nakasuot siya ng isang puting see-through dress.
“My love for you will grow every day just like you will…Even still inside my belly,” sulat ni Sam sa caption ng kanyang post.
Dahil sa kahanga-hangang ganda ni Sam sa kanyang maternity photos kaya naman umani siya ng maraming papuri mula sa netizens. Komento ng netizens:
“Pretty Mama!”
Credit: @sampinto_ Instagram
“Gorgeous mama!! Absolutely flourishing in your pregnancy”
“Glowing momma!”
“Sana all ganyan kaganda pag buntis:
“Love the look glowing mama”
Credit: @sampinto_ Instagram
Samantala, inamin ni Sam na isa sa mga bagay na nahirapan umano siyang tanggapin sa kanyang pagbubuntis ay ang mga pagbabago na nangyari sa kanyang katawan.
Aniya, “I welcome the changes in my body🤰🙏🏼✨ Honestly. This is one of the hardest thing for me to accept. Cause everything is so BIG 😳 My face, belly, feet, and yes my lips — natural filler yan girl hahaha”
Ibinahagi rin ni Sam ang ilang bagay na ginagawa niya upang maihanda ang kanyang sarili at matanggal ang kanyang kaba dahil sa mga nakakatakot na kwento na naririnig umano niya tungkol sa panganganak.
View this post on Instagram
Ayon kay Sam, nakatulong ang pakikinig niya ng “pregnancy affirmations” para maibsan ang kabang kanyang nararamdaman.
Sabi ni Sam, “And I hear so much scary, horror stories about pregnancy and giving birth that I’m already getting terrified and nervous just thinking about it 😱 Listening to pregnancy affirmations really really helped me a lot.”
“So if you’re like me momma, you can prep yourself and set your mind. Just Google or search in Spotify or YouTube and type “pregnancy affirmations”. I listen to them everyday and just makes me feel so much calmer, happier and better,” dagdag pa niya.
View this post on Instagram
Si Sam na sumikat bilang housemate ng Pinoy Big Brother house ay ikinasal noong Marso sa PBA player na si Anthony Semerad.
Credit: @sampinto_ Instagram
Matatandaang inanunsyo naman nilang mag-asawa noong nakaraang Mayo na magkaka-baby na sila. At sa ginawa nilang gender reveal, ibinahagi nilang babae ang unang magiging anak nila.
Bukod dito, nakaisip na rin sila ng pangalan para sa kanilang magiging anak na ibinase nila sa kanilang hilig sa dagat.
Credit: @sampinto_ Instagram
Anila, “Because we really love the ocean. Mia is queen of the ocean, so it’s the perfect name. And Aya, it’s a very lucky name. Siyempre we want her to be lucky.”
Inaasahang ipapanganak ni Sam anumang araw sa susunod na buwan ang unang anak nila ni Anthony.