Sam Pinto, ikinasal na kay Filipino-Czech PBA player Anthony Semerad!

Bago ang kanilang ‘big day’, una munang pinasilip nina dating “Pinoy Big Brother” housemate Sam Pinto at professional basketball player Anthony Semerad sa mga netizen ang kanilang mga intimate at h0t prenup photo.

Credit: @sampinto_ Instagram

Ang kanilang mga prenup photo ay nagsilbing countdown para sa kanilang pinakahihintay na pag-iisang dibdib.

At noon lamang March 8, masayang ibinalita nina Sam at Anthony na sila ay opisyal nang kasal! Opisyal na ngang “Mrs. Semerad” ang s3xy model at “Bubble Gang” actress na si Sam.

Sa isang video na ibinahagi ni Anthony sa Instagram mapapanood si Sam na masayang-masaya at sobrang ganda sa kanyang suot na puting bestida.

Credit: @sampinto_ Instagram

“Mrs. Semerad, how are you?,” maririnig si Anthony na tinatanong ang kanyang napakagandang asawa.

Sagot naman ni Sam, “Very good, thank you.”

Sinabi na noon ni Sam sa isang Instagram post na civil wedding muna ang gagawin nila ni Anthony.

Credit: @sampinto_ Instagram

Ginanap naman ang kanilang intimate at magical civil wedding sa Conrad Manila, isang luxury hotel sa Pasay City.

Makikita rin sa mga larawan na napakaganda ng setup ng kasal ng celebrity couple. Overlooking kasi mula sa rooftop ng nasabing hotel ang Manila Bay.

Base sa mga larawang ibinahagi nina Sam at Anthony sa kani-kanilang Instagram account, iilang kapamilya at kaibigan lamang ang dumalo sa kanilang kasal.

Credit: @sampinto_ Instagram

Makikita rin sa mga sunod-sunod na larawang kanilang ibinahagi na present sa kanilang kasal ang kambal ni Anthony na si DJ at ang asawa nito na si TV actress Gwen Zamora.

At ngayong kasal na sila, nangako si Sam na gugugulin niya ang natitirang dekada ng kanyang buhay kasama si Anthony.

Ani Sam, “Forever has a nice ring to it. Not really a cheesy type of person buuuutttt I promise to spend the rest of my decades with you! I am so ready for our future to rock our world @anthonysemerad”

Credit: @sampinto_ Instagram

Samantala, ayon naman kay Anthony, excited na siya sa panibagong journey na tatahakin nila ni Sam bilang mag-asawa.

Aniya, “I’m a married man! Excited for this new journey with you Mrs. Semerad @sampinto_”

Unang bahagi pa lamang ng kasal nina Sam at Anthony ang kanilang civil wedding dahil ngayong darating na December 2021 ay plano nilang magkaroon ng isang mas malaking kasal.

Credit: @sampinto_ Instagram

“Finally after a year of planning… Part 1 of our wedding is happening tomorrow!!! Part 2 is happening on December when (hopefully) our family and friends can fly here with less hassle and stress,” pahayag ni Sam sa Instagram.

Nagsimula ang relasyon nina Sam at Anthony noong 2018. Nangyari naman ang kanilang engagement noong 2019.