Sam Pinto, ini-reveal na sa publiko ang mukha ng napakagandang anak nila ni PBA player Anthony Semerad na si Baby Mia Aya

Marami ang humahanga kay dating Pinoy Big Brother housemate Sam Pinto dahil sa kanyang angking kagandahan at kaseksihan. Dahil dito kaya naman nakilala siya sa mundo ng showbiz bilang isang s3xy actress at modelo.

Credit: @sampinto_ Instagram

Ngunit sa mga nagdaang taon ay tila nag-lie low si Sam sa showbiz para tutukan ang kanyang mga itinayong negosyo. Isa na rito ang kanyang beach resort sa Baler, Aurora na pinangalanan niyang “L’Sirene.”

Kahit naman hindi na masyadong aktibo sa showbiz si Sam ay updated pa rin ang marami niyang tagahanga sa kanyang buhay sa pamamagitan ng kanyang social media accounts.

Credit: @sampinto_ Instagram

Isa nga sa mga malaking milestone sa buhay ni Sam na hindi niya pinalagpas na ibahagi sa kanyang mga tagahanga ay ang napaka-romantic na civil wedding ceremony nila ng kanyang fiancè na si PBA player Anthony Semerad. Matatandaang ginanap ang pag-iisang dibdib nila ni Anthony sa rooftop ng isang luxury hotel noong Marso.

Ang masayang kaganapan namang ito sa buhay ni Sam ay muling nasundan nang dumating naman sa kanilang mag-asawa ang isang napakagandang biyaya na walang iba kundi ang kanilang unang anak na si Baby Mia Aya.

Credit: @sampinto_ Instagram

Mabilis naman lumipas ang panahon dahil nitong ika-1 ng Oktobre lamang ay masaya nilang ipinagdiwang na mag-asawa ang unang buwang kaarawan nik Baby Mia.

At upang gawing memorable ang unang buwang kaarawan ni Baby Mia, sumabak silang tatlo sa isang mini-photoshoot kung saan kinunan ang kanilang unang family photo. Bukod dito, nasilayan din ng netizens sa unang pagkakataon ang napakagandang mukha ni Baby Mia.

Credit: @sampinto_ Instagram

Ibinahagi naman ni Sam ang kanyang kasiyahan dahil matapos umano ang isang buwan ay nakabalik na si Anthony sa kanila mula sa basketball training nito.

“My little family [emojis] Finally. After a month, daddy @anthonysemerad is home from the PBA bubble. We missed you very much [emoji]. PS he was there when @miaayasemerad was born,” pahayag ni Sam sa kanyang IG post.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi rin ni Anthony ang kanilang sweet family photo sabay sabing handa na umano siyang simulan ang journey bilang isang magulang kasama si Sam.

Credit: @sampinto_ Instagram

Aniya, “Ready to start this journey with you baby! Let the awesome parenting begin. @sampinto_”

Narito naman ang ilang komento ng netizens na humanga sa kagandahan ni Baby Mia.

“She’s so pretty!!!!”

“Ang ganda ganda namin ang baby mia namin”

Credit: @sampinto_ Instagram

“What a beautiful family. It’s very cute your baby. God blesses you all.”

“What a beautiful angel, omg!!!”