“Sampal Queen” na si Dionne Monsanto, tuluyan nang namaalam sa showbiz para manirahan sa Switzerland!

Isa ka rin ba sa nainis at nanggigil sa karakter ni Dionne Monsanto sa teleseryeng “Tubig at Langis” noong 2016?

Credit: @dionne Instagram

Marami ang tumutok noon sa nasabing teleserye dahil sa mainit na sampalan sa pagitan ng mga bida. Mas lalo namang hinangaan ng lahat si Dionne dahil sa kanyang nakakabilib na pagganap sa karakter ni “Lucy” sa teleserye.

Matatandaan na nag-viral noon ang mga ‘sampal scene’ ni Dionne dahil sobrang kapani-paniwala ng kanyang ‘maldita’ image.

Credit: @dionne Instagram

Sa katunayan, pinuri pa si Dionne ng aktres na si Claudine Barretto dahil nga sa husay ng kanyang pagiging kontrabida sa teleserye.

Sabi ng marami, isa si Dionne sa mga pinakamahusay at epektibong kontrabida sa telebisyon. Kaya naman marami ang nagpahayag ng kanilang kalungkutan matapos inanunsyo ng aktres na magre-retiro na siya sa showbiz.

Credit: @dionne Instagram

Sa kanyang huling guesting sa Kapamilya talk show na “Magandang Buhay”, inanunsyo ni Dionne na tuluyan na niyang iiwanan ang pagiging artista para manirahan kasama ang kanyang Swiss fiancè na si Ryan Stalder sa hometown nito sa Switzerland.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dionne Monsanto (@dionne)

Pahayag ni Dionne, “I want to say thank you so much. This is my last guesting ’cause I’m retiring. I am already retired.”

Ibinahagi rin ni Dionne na ang pinakabagong pelikula niyang ‘Hello, Stranger’ ay ang kanyang huli niyang proyekto bilang artista.

“‘Hello, Stranger’ is actually my last project and this is my last guesting. So, thank you so much ‘Magandang Buhay,'” ani Dionne.

Credit: @dionne Instagram

Sinabi naman ni Dionne na ang rason kaya siya magre-retiro na sa pag-aartista ay dahil naka-base sa Switzerland ang kanyang mapapangasawa na si Ryan.

Aniya, “I am going to Switzerland. My boyfriend and his family are there.”

Samantala, sa isang Instagram post, isang touching message ang isinulat ng 35-taong gulang na aktres, kung saan ipinahayag niya ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa industriya na naging daan para makamit niya ang kanyang mga pangarap.

Credit: @dionne Instagram

Ani Dionne, “This day 14 years ago, our batch (PBB Season 2) was launched. Today, my last TV guesting for @_magandangbuhay aired.”

Dagdag niya, “I started acting professionally in 2002 for ABS-CBN RNG. It has been an amazing 18 years. Thank you for helping this small-town girl achieve her dreams. I am forever grateful.”

Sina Dionne at Ryan ay na-engage sa Switzerland noong February 6. Inanunsyo naman ni Dionne sa pamamagitan ng isang Instagram post ang kanilang engagement ni Ryan.

Credit: @dionne Instagram

“I said, ‘Yes! Why’d you take so long?’ Ryan & I have known each other since my PBB season in 2007. Yet we only started dating in 2018—11 years of knowing each other,” ani Dionne sa Instagram.

Credit: @dionne Instagram

Dagdag niya, “Grateful that we were friends first and that we’ve seen each other grow. There’s no foundation better than friendship. Grateful that the universe gave me the kindest man ever.”