Marami ang tumututok sa bawat performance ni Sample King Jhong Hilario sa Kapamilya adaptation ng sikat na singing at impersonation competition na “Your Face Sounds Familiar”.
Credit: @jhonghilario Instagram
Pinabilib ni Jhong ang manonood dahil sa kanyang kamangha-manghang transformation at singing performance.
Matatandaang dalawang beses na magkasunod na itinanghal si Jhong bilang weekly winner at pinataob niya ang pitong celebrity contenders na kalaban niya sa kumpetisyon.
Ngunit sa pagdating ng panibagong blessing sa kanyang buhay na ang unang anak niyang si baby Sarina, ay isang malakiing desisyon ang ginawa ni Jhong.
Credit: @jhonghilario Instagram
Noong March 27 ay matatandaang isinilang ng longtime partner ni Jhong na si Maia Azores ang kanilang napaka-cute na sanggol.
Kasunod nga ng bagong papel na kanyang gagampanan bilang isang ama ay napagdesisyunan ni Jhong na magpaalam na muna sa YFSF para matutukan ang kanyang pamilya lalong-lalo na ang kanyang anak.
Credit: @jhonghilario Instagram
Inanunsyo ni Jhong ang kanyang pamamaalam sa palabas noong nakaraang Sabado, April 17, sa pamamagitan ng isang video call.
Ayon kay Jhong, malaking kadahilanan sa kanyang pag-alis sa palabas ang isyu ng kaligtasan ng kanyang bagong silang na anak.
Aniya, “Well, nakakalungkot na sabihin ‘to sa inyong lahat, kailangan ko po munang magpaalam sa ‘Your Face Sounds Familiar’. Meron kasing bata. Alam mo kapag may naramdaman ang bata hindi siya nakakapagsalita eh.”
Credit: @jhonghilario Instagram
Aminado naman si Jhong na isang mahirap na desisyon ang gagawin niya. Ngunit sa ngayon dahil na rin sa p@ndemya kaya ang pangunahing priyoridad niya ay ang kaligtasan ng kanyang pamilya lalo na ng kanyang anak.
“Pinag-isipan ko ‘to, hindi ako nakatulog pero itong desisyon na po na ito talagang inisip ko talaga ang anak ko eh,” giit ni Jhong.
Dagdag niya, “Gusto kong malaman niya paglaki niya, kaya ko ginawa yun dahil mahal na mahal ko siya.”
Naiiintindihan naman ng kanyang mga kasamahan sa palabas ang kanyang nagdesisyon. Sa huli nga ay pinasalamatan ni Jhong ang ABS-CBN management dahil sinusuportahan siya nito sa kanyang hangarin na unahin muna ang kanyang pamilya.
Credit: @jhonghilario Instagram
“Gusto kong pasalamatan ang ABS-CBN management, ang Your Face Sounds Familiar family dahil sa pag-intindi nila noong nagpaalam ako sa kanila and talagang sinabi nila na, ‘Yes, family first,'” ani Jhong.
Samantala, kasabay ng kanyang pag-alis sa YFSF, ay ikinalungkot din ng mga madlang pipol ang balitang pamamaalam din ni Jhong sa kanyang unang pamilya na “It’s Showtime”.
Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag si Jhong tungkol sa kumakalat na balita na pamamaalam niya sa noontime show.