Sanya Lopez, aminadong kinikilig pa rin siya sa ilang scenes nila ni Gabby Concepcion sa “First Yaya”

Hindi maikakailang isa ang batikang aktor na si Gabby Concepcion sa mga pinakagwapong leading man ngayon sa telebisyon.

Credit: @sanyalopez Instagram

Kaya nga pati ang kanyang leading lady sa Kapuso teleserye na “First Yaya” na si Sanya Lopez ay hindi mapigilang kiligin sa kanya!

Ibinunyag ni Sanya kamakailan lamang nang mag-guest siya sa TV show na “Mars Pa More” na kinilig siya sa naging k!ssing scene nila ni Gabby sa “First Yaya.”

Credit: @sanyalopez Instagram

Kwento ni Sanya, matagal na siyang may paghanga kay Gabby kaya naman nang makatrabaho niya ito grabe na lamang ang kilig na kanyang naramdaman.

Ayon pa kay Sanya, maging ang kanyang ina ay nag-usisa rin kung anong pakiramdam na mahal!kan ng isang ‘Gabby Concepcion’ dahil ultimate crush din umano nito ang aktor.

Credit: @sanyalopez Instagram

Aminado naman si Sanya na kahit nagtapos na ang teleserye ay nakakaramdam pa rin siya ng kilig tuwing naaalala niya ang k!ssing scene nila ni Gabby na sa huling bahagi ng teleserye ay naging asawa niya.

Credit: @sanyalopez Instagram

Sabi ni Sanya, “Ang una niyang tanong sa akin, kayo naba? sabi ko Ma? wait lang Ma! Kasi ako dati sobrang crush na crush ko na talaga si Gabby Concepcion. Sabi niya sa akin, so ano yang feeling na na-k!ss ka ni Gabby? Sabi ko, ‘Mommy, nakaka-kilig until now,’ sabi kong ganun sa kanya.”

Dagdag pa ni Sanya, “‘Yung pag-k!ss kasi ni Kuya Gabby, may respect pa rin.”

Credit: @sanyalopez Instagram

Samantala, kaugnay sa kanyang karakter sa drama series bilang isang yaya, inamin ni Sanya na pipiliin pa rin niyang pagsilbihan si Gabby kung bibigyan siya ng pagkakataon na maging isang yaya sa loob ng isang araw.

Nang tanungin kung bakit si Gabby ang pipiliin niyang pagsilbihan, ikwenento ni Sanya na nakita niya kung gaano kamaalaga ang aktor nang minsan ay nagpunta sila sa bahay-bakasyunan nito sa Batangas City.

Credit: @sanyalopez Instagram

“Siguro kasi nakita ko kung paano niya kami alagaan noong nagpunta kami sa Batangas. Grabe siya, hindi ka niya pababayaan talaga,” paliwanag pa ni Sanya.

Dagdag niya, “Everyday yata kailangan niyang mamalengke, as in palengke talaga, pupuntahan niya tapos ipamimili ka niya tapos ipagluluto karin niya.”

Matatandaang ang “First Yaya” ay ang unang proyekto nina Sanya at Gabby bilang isang love-team na huling umere noong Hulyo 2.