Sanya Lopez, binalikan ang panahon na naghahati sila ng kuya na si Jak Roberto sa isang pancit canton at chocolate drink

Isa sa hinahangaang artista ngayon sa industriya ng showbiz ang aktres na si Shaira Lenn Osuna Roberto o mas kilala ng publiko bilang si Sanya Lopez.

Credit: @sanyalopez Instagram

Sa taglay na ganda ng mukha at napakaseksing katawan ng aktres ay marami ang humahanga dito.
Bukod sa natatanging ganda at kaseksihan, ay may kahanga-hanga rin siyang talento sa pag-arte. Mapapanood si Sanya sa teleseryeng “First Yaya” ng GMA Network kasama ang leading man na si Gabby Concepcion.

Credit: @sanyalopez Instagram

Maliban kay Gabby na isang beterano at respetadong aktor, naging leading man rin niya ang isa pang mahusay at batikang aktor na si Bong Revilla sa fantaserye na “Agimat ng Agila”.

Hindi maikakailang namamayagpag ang karera ni Sanya sa dami ng kanyang proyekto at isa sa pinakamalaking tagumpay na bunga ng kanyang sipag at tiyaga ay ang kanyang naipatayong bahay para sa kanilang pamilya.

Kasama sa tagumpay niyang ito ang kanyang kapatid na si Jak Roberto na isa ring mahusay na Kapuso actor at palagi niyang kasama maging sa ano mang hamon ng buhay.

Credit: @sanyalopez Instagram

Sa isang episode ng “This Is Showbiz”, nakapanayam ng talk show host na si Butch Francisco ang aktres kung saan masayang ibinahagi nito ang karanasan sa kanilang kabataan ng kanyang Kuya Jak na talagang tumatak sa kanyang isipan bago pa man nila makamit ang tinatamasang tagumpay ngayon.

Credit: @sanyalopez Instagram

Ayon sa dalaga ay nagmula sila sa mahirap na pamilya kaya naman patuloy nilang isinasabuhay ang kinalakihang turo ng kanilang mga magulang na magkaroon ng magandang asal at kanilang napanatili ang kaugaliang kanilang nakasanayan na maghati sa mga bagay na meron sila bilang magkapatid.

Dagdag pa nito, noon raw na sila ay maliliit na bata pa lamang ay madalas silang maghati ng kanyang Kuya Jak sa pagkain. Katulad ng paghahati sa isang pirasong pansit canton at P4 na halaga ng chocolate drink.

Credit: @sanyalopez Instagram

Dahil dito, hindi matatawaran ang pagiging malapit nila sa isa’t isa na hanggang ngayon ay dala-dala pa rin nila.

Ayon pa kay Sanya, ang naranasan nilang magkapatid noon ang dahilan kung bakit sa kabila ng tinatamasa nilang tagumpay ngayon ay nananatili paring nakatapak ang kanilang mga paa sa lupa na tunay na hinahangaan ng mga netizens.