Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, ipinasilip ang kanilang simpleng selebrasyon sa ika-9 na anibersaryo ng kanilang pagmamahalan

Ibinahagi ng mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ang kanilang simpleng selebrasyon para sa ika-9 anibersaryo ng kanilang pagsasama.

Credit: @matteog Instagram

Sa Instagram post ni Matteo, isang maiksing video ang ibinahagi nito para ipakita ang kanilang simpleng pagdiriwang. Magkahawak-kamay ang dalawa habang sabay na naglalakad. Isang ‘dinner date outdoor’ ang pinagsaluhan ng dalawa na may kasamang masayang kwentuhan. Andyan din ang nakakatunaw at matatamis na titigan nila sa isa’t-isa.

“9 years with the love of my life. I love you,” sweet na pagbati nito kay Sarah.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Matteo Guidicelli (@matteog)

Bumuhos ang ‘heart emoji’ sa ‘comment section’ ng post ni Matteo. Ilan dito ang mga kaibigan nila sa industriya katulad nina Bea Alonzo, Miles Ocampo, Iza Calzado, Lara Quigaman, Lani Misalucha, at marami pang iba.

Nagbubunyi rin ang fans ng mag-asawa sa matibay na samahan ng dalawa.

“Wow 9 yrs! You are such a very lovely couple. Stay in love and may God bless you always!”

Credit: @matteog Instagram

“Ramdam na ramdam talaga na sobrang mahal na mahal ni Matteo si Sarah! Sarah deserve mo na makaroon ng Matteo.. God bless your family. soon makita na ang small Sarah and small Matteo.”

“Happy anniversary to you lovebirds!”

“9 years and going strong! So happy to see you both happy!”

Kinumpirma ni Popstar Royalty Sarah Geronimo ang relasyon nito kay Matteo taong 2014. Ayon sa aktres ay mahigit isang taon na silang nagde-date noon. Ikinasal ang celebrity couple noong February 20, 2020 sa isang pribadong ‘Christian Ceremony’. Tahimik at masayang nagsasama ngayon ang dalawa.

Credit: @matteog Instagram

Paminsan-minsan makikita na magkasama ang mga ito sa YouTube vlogs ni Matteo at sa ilang mga brand endorsements. Kamakailan din ay nagpost ito ng kanilang ‘9 days trip sa Italy’ para sa selebrasyon ng ika-9 na anibersaryo ng kanilang pagsasama.

Credit: @matteog Instagram

Nilibot ng dalawa ang European country at pinagsaluhan ang masasarap na ‘local food’ ng bansa katulad ng pizza at pasta. Hindi rin nila pinalagpas ang paboritong ‘pastries’ ni Sarah. Binisita rin ng dalawa ang Pamilya ni Matteo sa Italya. Bukod pa dito ay sinulit talaga ng dalawa ang pagbabakasyon dahil nanood din sila ng isang Opera sa Verona at namasyal sa Sicily at Noto Cathedral.