Sarah Geronimo at mister na si Matteo Guidicelli, masayang nagdiwang ng kanilang unang wedding anniversary sa Coron, Palawan

Mahalaga para sa mga mag-asawa na ipagdiwang ang anibersaryo ng kanilang kasal. Isa lamang kasi ang pagdiriwang ng kanilang wedding anniversary sa magpapaalala sa kanila sa espesyal na araw kung kailan sila nangakong mamahalin nila ang isa’t isa sa hirap man o sa ginhawa.

Credit: @ashmatt_love Instagram

Tuwing ipinagdiriwang din ng mga mag-asawa ang kanilang weddding anniversary ay nare-realize nila na isang taon na naman ang lumipas, isang panibagong taon na naman ang masaya at matapang nilang hinarap nang magkasama.

Credit: @ashmatt_love Instagram

Naging tradisyon na nga para sa mga mag-asawa na ipagdiwang ang anibersaryo ng kanilang kasal. May kani-kanilang paraan din ang bawat mag-asawa kung paano nila ipagdiriwang ang isa sa pinakamahalagang kaganapan sa kanilang pagsasama.

Nito lamang February 20, ipinagdiwang naman ng celebrity couple na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ang kanilang unang wedding anniversary.

Credit: @ashmatt_love Instagram

Pinili nila Sarah at Matteo na ipagdiwang ang kanilang anibersaryo sa Coron, Palawan.

Makikita sa mga litrato na ipinost ng isang fan page nina Matteo at Sarah sa Instagram, na masaya at enjoy na enjoy ang celebrity couple sa kanilang maikling beach trip at wedding anniversary celebration.

Sa Instagram account ni Matteo, isang mensahe ang isinulat niya para kay Sarah sa araw ng kanilang unang wedding anniversary.

Credit: @ashmatt_love Instagram

Kinilig ang marami sa sweet message ni Matteo kung saan ay binati at pinasalamatan niya ang Popstar Princess sa pagbibigay umano nito ng saya sa kanilang tahanang mag-asawa.

Mensahe ni Matteo sa kanyang asawa, “Love, HAPPY 1st year anniversary!! Look at our family! 🙂 Thank you for bringing joy in our home, you are the reason why I smile when we wake up. You continue to inspire me everyday and I just love celebrating life with you. So proud of you my love! I love you forever. #proudhusband #blessed”

Credit: @ashmatt_love Instagram

Nagsimula ang relasyon nina Sarah at Matteo noong 2014. Na-engage naman sila noong November 2019.

Samantala, ang kanilang intimate at pribadong Christian wedding na naganap sa Taguig City ay mainit namang pinag-usapan matapos na maiulat na gumawa ng kagul0han ang ina ni Sarah na si Divine.

Credit: @ashmatt_love Instagram

Gayunpaman, kahit binalot ng kontrobersiya ang kanilang kasal ni Sarah, itinuturing pa rin ito ni Matteo na isa sa pinakamagandang araw ng kanyang buhay.

Gayundin, sa vlog na KC Concepcion, ibinahagi ni Matteo na sobrang masaya sila ni Sarah sa kanilang buhay bilang mag-asawa.