Sarah Geronimo, mas bumata tignan dahil sa kanyang suot na braces!

Marami sa atin ang nangangarap na magpalagay ng dental braces para maging maayos at mas malusog ang ating mga ngipin at kabuuang dental o oral health.

Credit: @justsarahgph Instagram

Mukhang natupad naman ni Popstar Royalty Sarah Geronimo ang kanyang pangarap na masuot ang kanyang pinapangarap na braces.

Sobrang ganda nga ng ngiti ni Sarah sa larawang ipinost niya sa kanyang Instagram kung saan ay makikita siyang nakasuot ng braces.

Base sa kanyang Instagram post, mukhang unang beses ito ni Sarah na magsuot ng braces.

Sa caption ay masayang sinabi kasi ni Sarah na nasuot na niya ang pinapangarap niyang braces
Maliban dito ay pinasalamatan din niya ang doktor at clinic na gumawa ng kanyang braces at nag-aalaga sa kanyang dental health.

Credit: @justsarahgph Instagram

Ani Sarah, “Thank you Doc Gan #GAOC for the dental care!👍🏻 #angpangarapkongbraces😬”

Hindi naman sinabi ni Sarah ang dahilan kung bakit ngayon lamang siya nagpalagay ng braces.

Maraming mga tagahanga at netizens ang nagsabi na bumagay kay Sarah ang kanyang braces.
Mas bumata umano ang singer-actress sa sa kanyang tila bagong look dahil sa pagsusuot niya ng braces. Komento nila:

“looking young with braces😍💕”

“Grabe murag HS nagpa braces huhu nagkabata @zairahes 😢❤️❤️❤️”

Credit: @justsarahgph Instagram

“Hahahaha BIG REVEAL of the super braces”

“ang ganda ganda mo po with your braces”

“Cutie bagay sayo”

“you’re so pretty po with your braces”

Isa talaga ang pagpapalagay ng orthodontic or dental braces sa pwedeng makatulong upang gumanda ang “alignment” o maituwid ang ating mga ngipin.

Credit: @justsarahgph Instagram

Siyempre, kung maayos ang ating mga ngipin ay mas nagiging maganda ang ating mga ngiti at lalong hindi tayo mahihiyang ngumiti!

Mahalaga naman para sa mga artista o public figure tulad ni Sarah na magkaroon ng isang malusog at magandang ngipin.

Madalas kasi silang humaharap sa mga tao kaya naman dapat parati silang confident na makipag-usap o hindi naman kaya ay ngumiti.

Credit: @justsarahgph Instagram

Maraming benepisyo rin para sa ating oral health ang pagpapalagay ng braces. Napapa-improve din nito ang paraan natin ng pagsasalita dahil naaayos ang ating mga “tooth gap” at natutuwid ang posisyon ng ating mga ngipin. Kaya naman hindi na nakapagtataka kung bakit nagpaglagay ng braces si Sarah.

Samantala, ngayong darating na March 27 na gaganapin ang digital concert ni Sarah na “Tala: The Film Concert” na mapapanood sa ktx.ph.