Sarah Geronimo, pina-w0w ang mga netizen sa kanyang bagong hairdo na talagang bumagay sa kanya

Umani ng maraming paghanga mula sa netizens ang bagong hairdo ni Asia’s Popstar Royalty Sarah Geronimo!

Credit: @gelalaurel Instagram

Halos isang buwan bago ang kanyang ika-32 taong kaarawan ay ginulat ni Sarah ang kanyang fans sa kanyang bagong look.

Ibinahagi ng celebrity makeup artist na si Gela Laurel Stehmeier sa kanyang Instagram account ang ilang larawan ni Sarah sa kanyang bagong gupit na buhok.

Maituturing na pinakamaikling hairstyle ‘so far’ ni Sarah ang kanyang gupit ngayon na isang pixie cut na gawa ng kilalang hair stylist na si RJ dela Cruz.

Kapansin-pansin na sa kanyang bagong hairstyle ay mas bumata at nadepina ang magandang mukha ni Sarah.

Credit: @gelalaurel Instagram

Talagang bumagay kay Sarah ang kanyang bagong hairdo na nagbibigay sa kanya ng fierce at mature image.

Hindi naman maiwasan ng maraming netizens na mapa-w0w sa bagong look ngayon ni Sarah dahil sa kanyang pixie cut hairstyle. ‘Approve’ para sa marami ang bagong gupit ng singer-actress lalo na’t bagay na bagay ito sa kanya. Komento ng netizens:

“W0www so pretty! Bagay!”

“Love the hair and makeup!”

Credit: @gelalaurel Instagram

“Grabeee pabata ng pabata gondooo ng make-up”

“ate sarah ginulat mo po kami lahaatt”

“I love her make-up kagabi ko pa to napansin”

Si Sarah ay kilala bilang isa sa mga prominenteng mang-aawit sa bansa. Matatandaang nagsimula ang karera ni Sarah sa pagkanta matapos siyang manalo sa singing competition na ‘Star for a Night’ noong 2002. Ilan sa kanyang mga kanta na sobrang pumatok sa masa ay “A Very Special Love”, “Forever’s Not Enough”, at “Tala”.

Credit: @gelalaurel Instagram

Nakilala rin si Sarah ng marami dahil sa kanyang mga box-office hit na pelikula tulad ng “A Very Special Love” na isa sa mga highest grossing film noong 2008. Katambal ni Sarah sa nasabing pelikula si Box-Office King John Lloyd Cruz.

Ang sumunod naman nilang pelikula na “You Changed My Life” ay pumatok din sa maraming manonood at noong 2009 ay itinanghal ito bilang isa sa mga ‘highest grossing Filipino film of all time.’ Samantala, noong nakaraang taon ay pinakasalan ni Sarah ang Filipino-Italian actor na si Matteo Guidicelli sa isang pribadong Christian wedding ceremony.

Ngayong darating naman na July 25 ay ipagdiriwang ni Sarah ang kanyang ika-32 birthday.