Sarah Geronimo, tatayong President ng bagong project nilang mag-asawa na G Studios!

Ilan na ba lahat-lahat ang titles ngayon ni Sarah Geronimo? Maliban sa kanyang pagkakakilanlan sa showbiz bilang ang nag-iisang “Popstar Royalty,” isa na rin pala siyang president ng itatayong project nila ng asawang si Matteo Guidicelli na G Studios!

Credit: @matteog Instagram

Hindi talaga maipagkakaila na sobrang talented ni Sarah Geronimo dahil hindi lamang siya magaling sa pagkanta, pagbirit, at pagsayaw dahil isa rin siya sa mga kinikilalang mahuhusay na aktres sa lokal na industriya ng showbiz. Ngayon na pansamantalang nasa break ng kanyang career, patuloy pa rin niya tayong napapabilib dahil sa kanyang malakas na efficiency pagdating sa pagve-venture ng business at projects kung saan ay katuwang niya ang kanyang asawa na si Matteo Guidicelli.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Matteo Guidicelli (@matteog)

Simula nang ikinasal ang dalawa, natunghayan ng karamihan ang bagong side na ito ni Sarah dahil hindi lubos natin akalain na hindi lang pala limited sa showbiz at stage ang kanyang husay at galing kung hindi ay lagpas pa sa expectations ng iilan sa atin.

Sa latest na update ni Matteo sa kanyang Instagram account, ibinahagi niya ang masayang balita na itatayo na umano ang proyekto nila ng asawa na papangalanan nilang G Studios.

Sa ika-15 ng June, hindi lamang birthday ng Mommy ni Matteo ang ipinagdiwang ng couple dahil kasabay din nito ay ang groundbreaking ceremony ng G Studios na isinagawa sa Alabang, Mandaluyong City.

Sa caption ng aktor, mabababasa ang “June 15, 2022 – our mamas birthday @glfguidicelli and the ground breaking of our new project, G STUDIOS!”

Credit: @matteog Instagram

Ang goal ng couple para sa G Studios ay maka-cater ng content creators, vloggers, celebrities, at iba pa kaya talagang doble ang excitement na nararamdaman ngayon ng couple.

Sa ceremony na ito, imbitado ang pamilya at iilan sa malalapit na mga kaibigan ng mag-asawa na nagbahagi ng mga larawang kuha sa mismong event sa kani-kanilang Instagram account.

Ayon kay Gigi Tibi, “Not many people know but @justsarahgpg is G Studios’ President. How she has bloomed with her husband’s @matteog’s and the whole family’s trust and 101 support!”

Sobrang laki talaga ng ipinagbago ni Sarah Geronimo dahil pinatunayan lang naman niya na hindi lamang siya mahusay sa pag-arte at pagpe-perform sa stage dahil wais at smart din siya pagdating sa usapang projects at negosyo.