Sarah Lahbati, inulan ng papuri mula sa netizens dahil sa kanyang new look!

Kahit saan man na anggulo kunan ng larawan si Sarah Lahbati, sobrang ganda niya pa rin!

Isa si Sarah Lahbati sa mga kilala at tinitingalang aktres sa industriya ng showbiz ngayon. Mula sa nakapagandang mukha, may talento rin si Sarah pagdating sa pag-arte at pagsayaw. Maliban dito, isa rin siyang modelo at endorser ng mga sikat na brands.

Credit: @sarahlahbati Instagram

Bagama’t isa naman ngayong Mommy sa dalawang anak na sina Zion at Kai, wala pa ring kakupas-kupas ang appeal na taglay ni Sarah. Halos hindi rin makapaniwala ang netizens nang napansin ang pananatiling s3xy ni Sarah matapos maisilang ang dalawang anak.

Bukod sa kanyang kagandahan, kasikatan, at pagiging sexy, palagi rin na “classy” at elegante si Sarah sa lahat ng mga larawang ibinabahagi sa social media.

Sa mga bikini na larawan pa lamang niya, halos hindi na maka-get over ang netizens. Sa perpektong mukha at magandang hubog ng katawan, palagi siyang pinagkakaguluhan ng kanyang fans.

Credit: @sarahlahbati Instagram

Sa mga magagandang larawan na ibinabahagi ni Sarah sa Instagram, talagang deserve niya ang pagiging isang “icon” pagdating sa pagpo-pose!

Martes, October 5 nang muling pinatunayan ni Sarah na isa siyang expert pagdating sa pagmomodelo. Sa ibinahagi niyang dalawang larawan sa Instagram kung saan ay makikitang elegante siyang nakasandal habang suot ang isang magandang damit ng mamahaling brand na Louis Vuitton, muli niyang pinahanga ang netizens sa kanyang napakagaling na mga pose.

Credit: @sarahlahbati Instagram

Talagang nasa ibang level bilang isang modelo si Sarah dahil pati ang kanyang kapwa celebrities ay napahanga rin niya.

“Linda Evangelista!!! 🔥🔥🔥” komento ni Vice Ganda nang naramdaman ang vibes ng isang Canadian na modelo kay Sarah.

“IT’S GIVING LINDA EVANGELISTA,” sang-ayon naman ni BJ Pascual.

“Serving us miss Linda Evangelistaaaa vibes,” sabi naman ni Christi McGarry, isang Filipino-American na beauty queen.

Credit: @sarahlahbati Instagram

Hindi rin pinalagpas nina Bella Padilla at Dyan Castillejo ang pixie cut ni Sarah. Ayon naman sa netizens, mas dumagdag pa sa kaseksihan ni Sarah ang kanyang pinaikling buhok.

“This hair😍😍😍,” komento ni Bella Padilla.

“Lov the cut !” sabi naman ni Dyan Castillejo.

Of course, supportive rin ang asawa ni Sarah na si Richard Gutierrez at ang kapatid nito na si Ruffa Gutierrez.

Credit: @sarahlahbati Instagram

“❤️❤️❤️,” komento ni Richard.

“Omggggg” at “So hot!! ❤️❤️❤️” naman ang komento ni Ruffa Gutierrez.

Sa post na ito ni Sarah, muli niyang pinatunayan na ibang klase siya bilang isang modelo at endorser.

Nagustuhan naman ng netizens at ng kanyang fans ang bagong look ni Sarah Lahbati at kabilang na nga nito ay ang kakambal ng kanyang asawa na si Raymond Gutierrez.